Monday , December 23 2024

Cellphone ni Vhong ebidensiya ng NBI; Seguridad mula sa PNP hiningi ng kampo ni Vhong; Baril ni Cedric hiniling kompiskahin

HAWAK  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang cellular phone ng tv host/actor na si Vhong Navarro aka Ferdinand Navarro, ng Kapamilya network.

Ayon kay  NBI-NCR Assistant Director Vicente de Guzman, malaki ang maitutulong   ng cellphone na ginamit ng actor sa pakikipag-ugnayan kay Deniece Cornejo bago nangyari ang nasabing  pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee noong gabi ng Enero 22.

Aniya, matutukoy ng NBI  ang palitan ng mga text messages sa pagitan ni Navarro at ni Cornejo   kahit  nabura   ng aktor ang kanyang mga mensahe kay Cornejo.

Ang cellphone ni Navarro ay  ibinigay kay NBI-NCR chief Jose Rommel Ramirez  habang nasa ospital ang actor/tv-host.

(leonard basilio)

Seguridad mula sa PNP hiningi ng kampo ni Vhong

Humingi ng seguridad ang kampo ni Vhong Navarro sa Philippine National Police (PNP) dahil sa pangamba sa kanyang buhay.

Magkasamang dumulog sa tanggapan ni SILG Mar Roxas sina Direk Chito Roño, manager ni Vhong at  si Atty. Dennis Manalo, abogado ng Kapamilya tv/host-actor, kahapon.

Ipinahayag ng kampo ni Navarro ang kanilang pangamba ngayong naihain na ang kaso laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at mga kasama nitong nambugbog sa kanya.

“First of all we expressed our concerns regarding the security of Mr. Vhong Navarro. And through the Philippine National Police, we have been advised that they will immediately provide police visibility in the residence of Navarro to assure that no further threats or any attack that can be inflicted to him,” ani Manalo.

Nakakatanggap din ng mga “anonymous text messages” ang host na nagbabanta sa kanyang buhay.

Paliwanag ni Manalo, hindi security escorts ang hiniling nila kundi police visibility at presence dahil hindi pa ito kailangan sa ngayon.

Hiwalay ito sa ibibigay na seguridad kay Navarro sa ospital.

Nagpapagaling pa rin sa kanyang operasyon si Navarro at sinusuri pa ang ulo at mga mata ng actor/tv host.

Baril ni Cedric hiniling kompiskahin

DUMULOG ang kampo ng actor/TV host na si Vhong Navarro sa pamunuan ng pambansang pulisya hinggil sa patuloy na pagtanggap niya ng banta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng text messages.

Ang abogado ni Navarro na si Atty. Dennis Manalo at ang kanyang manager na si Chito Roño  ay nagtungo sa kampo Crame kahapon para makipag-usap sa pamunuan ng PNP.

Hinarap ni Police Deputy Director General Leonardo Espina sina Roño at Manalo at tinalakay ang ilang isyu hinggil sa insidente ng pambubugbog sa aktor na kinasasangkutan ng negosyanteng si Cedric Lee.

Ayon kay Manalo, pinag-usapan nila ang hiling na revocation ng lisensya ng baril ng negosyante at tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na rerebyuhin ang mga dokumento ng negosyante.

Nauna nang sinabi ni Navarro na tinutukan siya ng baril ng kasamahan ni Cedric sa loob ng condo unit habang siya ay binubugbog.

Lumutang naman ang impormasyon na mayroong nakarehistro sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP na may dalawang baril ang negosyante, isang Taurus at Glock 9mm.

Kasabay nito, ipinaabot din ng panig ni Vhong sa PNP ang patuloy na pagtanggap ng death threats ng TV host.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *