BAHAGYANG lumakas ang bagyong Basyang habang nagsisimula na ang epekto sa Silangan ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Bago magtanghali natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometro sa silangan hilangang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Umuusad ang bagyo sa bilis na 30 kilometro sa direksyon na pakanluran.
Inaasahan ngayon madaling araw ay tatama sa kalupaan ang sentro ng bagyo.
“Expected to make landfall over Southern Leyte – Northern tip of Surigao del Norte area late tonight or early tomorrow morning,” ayon sa Pagasa.
Nakataas na ang signal number two sa Cebu, Bohol, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Samar, Camotes Island, Camiguin, Dinagat Province, Surigao del Norte, Siargao Is., Northern Part of Surigao del Sur, at Northern Part of Agusan del Norte.
Habang signal number one naman sa Masbate, Cuyo Island, Northern Samar, Biliran Is., Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Misamis Oriental, Misamis Occidental, rest of Agusan del Norte, rest of Surigao del Sur, Agusan del Sur, Northern part of Bukidnon at Zamboanga del Norte.