Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangsamoro basic law inaapura ni PNoy

HINIMOK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Bangsamoro Transition Commission (BTC) na bilisan ang pagkompleto sa draft ng Bangsamoro Basic Law para magkaroon nang sapat na pagkakataon para maipasa at mapagtibay bilang ganap na batas.

Sinabi ni Peace Adviser Ging Deles, inihayag ng Pangulong Aquino sa kanyang meeting sa BTC na dapat matapos ang paghahanda sa lalong madaling panahon sakto sa transition pagdating ng 2016.

Ayon aniya kay Pangulong Aquino, tiyakin lamang na transparent ang trabaho at konsultahin ang lahat ng mga sektor para malawak ang makukuhang suporta.

Tiniyak naman ng Pangulong Aquino sa BTC ang buong suporta ng national government partikular sa usapin ng technical at political support, sapat na budget at gabay para maipasa ang nasabing batas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …