Monday , December 23 2024

5 dalagita sex slave sa drug den (3 tulak timbog)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga awtoridad ang limang dalagitang hinihinalang sex slaves habang tatlong tulak ng shabu ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa isang farm na pinaniniwalaang drug den sa Floridablanca, Pampanga.

Ayon sa ulat ni Supt. Jhoanna Ponseca ng Floridablanca Police, nakatakda nilang ilipat ang limang dalagita sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) habang nakadetine naman ang tatlong miyembro ng sindikato na sina Mark Anthony Baul, Heinz Santos, at Mark Diamco, pawang galamay ng Santos gang na distributor ng illegal drugs sa 2nd district at mga kalapit lalawigan na pinamumunuan ni Walter Santos alyas “Whisky,” nakatakas muli sa ikalawang pagkakataon sa isinagawang pagsalakay. Nasamsam ng mga pulis sa nasabing pagsalakay ang P350,000 halaga ng shabu.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, natukoy ang farm na pinagkukutaan ng nasabing sindikato sa Brgy. Benedicto ng nabanggit na lugar makaraang masakote ang isa sa mga lider ng grupo at pito pa sa buy-bust operation.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *