Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong vs Cedric, acid test sa daang matuwid ni PNoy (Truth will come out…)

ni  Art T. Tapalla

PANSAMANTALANG na-eclipse ang mainit na privilege speech ni Bong Revilla, nang  mas mainit na isyu ang pambubugbog sa actor-TV-host Vhong Navarro aka Fernando Navarro, ng Kapamilya noontime variety show, It’s Showtime, ng grupo ng isang Cedric Lee (tatay ng 4-year old dotter ni Vina Morales), at ng umano’y kasintahan niyang freelance model Deniece Cornejo.

Lumabas ang pambubugbog nang ipahayag ng manager ng comedian/TV host, direk Chito Roño, na nasa maselang na kalagayan ang kanyang pinasikat na kabilang sa Streetboys Dancer.

Biglang-bigla, kahit wala pang opisyal na pahayag ang panig ni Navarro, agad nagpalabas ng kanilang breaking news ang GMA-7, sa pamamagitan ng kanilang News and Public Affairs prexy, Jessica Soho, kahit walang pagsangguni sa kabilang panig ng kwento, ay nagbalitang, naka-blotter si Vhong Navarro sa kasong “attempted rape” sa isang 22-anyos na freelance model, si Daniece Cornejo nga, apo ng marketing exec ng GMA-7, si Rod Cornejo.

Umalimbukay ang mga pagkondena sa unang asawa ni Bianca Lapuz, at kanilang sinusugan ang mga opinion ng mga taga-Siyete, na dapat kastiguhin ang actor/TV host ng It’s Showtime ng ABS-CBN 2.

Linggo, Enero 26, sa taped-interview ng King of Talk Boy Abunda, via Buzz ng Bayan, sa unang pagkakataon, isiniwalat ni Vhong Navarro aka Fernando Navarro, ang kanyang pinagdaanan sa kamay ng mga buhong at kung pa’no  siya napunta sa ganoong kalagayan-itiman ang paligid ng dalawa niyang mata, basag ang bridge ng  ilong, may mga “hematoma” sa noo, at masakit ang bahaging likod ng kanyang ulo, at may mga sugat sa mga lower extremities.

“Hindi ako rapist….,” ang lumuluhang pahayag ni Vhong.

Lunes, naglabasan na rin sa mga pahinang panlibangan ang mga personal na pahayag at pagpapasinungaling ng kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo, na kanilang itutuloy ang demanda kay Vhong ng “rape”, at ayon pa kay Cedric, sa kanyang “well modulated bedroom voice,” meron daw mahigit sampung babae ang nakikipag-ugnayan sa kanya na handang magbigay ng mga testimonya laban kay Vhong. (Magkano?)

Sa isinapublikong footages ng CCTV mula sa condominium na pinangyarihan ng pambubugbog, kitang-kita ang pagsisinungaling ng grupo ni Cornejo at tugmang-tugma sa salaysay ni Vhong.

Marami ang nagsasabing, isa na namang (bukod sa P10-B pork barrel scam) acid test sa ‘tuwid na daan; ni Pnoy ang nasabing kontrobersiya.

DAPAT MAY ‘GUMULONG NA ULO’

Sa lumabas na mga senaryo, kita na merong sabwatang naganap, planado ang pananakit kay Vhong ng grupo nina Lee at Cornejo.

Sa proseso ng pagpa-blotter kay Vhong, litaw ang mga lapses sa panig ng mga awtoridad, at ni hindi nila dinala sa pinakamalapit na pagamutan para matingnan ang kalagayan ng biktima, na siyang standard operating procedure (SOP) sa paghawak sa isang kaso.

Sa mga pangyayari, dapat lang na merong gumulong na ulo na dapat papanagutin sa kanilang kapabayaan at pagwawalang-bahala sa kapakanan ng isang inagrabyadong indibidwal.

***

Mula sa Pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) na si Angelo Padua, ipinapaalam niya sa industriya ng pelikulang Pilipino, na bukas na ang pagpapasok ng mga entries para sa 62nd FAMAS Gabi ng Parangal na gaganapin sa Abril 6, 2014 (tentative).

Tinatawagan ng pansin ang mga producers na magsumite ng kanilang mga pelikula na nagawa mula Enero 2013 hanggang Disyembre 2013 para sa pagpili ng mga mahuhusay na obra para gawaran ng parangal (acting at technical category)  sa taong 2013.

Para sa karagdagang katanungan, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0939-941-1737 o tumawag sa numerong 455-3598.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …