Nagdurugo ang puso ngayon ni Kris Aquino, nang malaman ang nangyari sa kaibigang si Vhong Navarro na nakatikim ng mga pambubugbog sa kamay ng negosyanteng si Cedric Lee at mga kagrupo nito. Para kay Kris, binalewala ni Lee ang karapatan pantao ni Vhong nang sila ang umaresto dahil sa bintang lang ni Deniece Mellinette Cornejo na nag-attempt raw si Vhong na reypin siya. Dahil very influential raw si Cedric na gagamit ng mga connection para mabura ang kaso nila ni Cornejo at ng mga kasama na isinampa sa kanila ni Navarro at ng abogado ng komedyante sa National Bureau of Investigation (NBI) last Wednesday sa Room 112 National Prosecution Service o NPS administrative and docket section. Hindi raw papayag si Kris na mangyari ito. kaya gagawin raw ng Queen of All Media ang lahat para maparusahan ang dapat na maparusahan lalo pa’t ramdam niya na inosente si Vhong sa kasalanang ibinibintang ni Deniece. Well, as of presstime kinakalampag na rin ng mga taong concerned kay Vhong lalo na ang mga kasamahan sa industriya ang ating gob-yerno. Dapat ay pakialaman na nina Presidente Noynoy Aquino at DILG Secretary Mar Roxas ang kasong ito nang mabigyan ng agarang hustisya si Vhong. Oo nga naman gyud!
Hiwalayang Chichay (Kathryn) At Joaquin (Daniel) Sa G2B
‘Di Lang Trending Worldwide Umapaw Pa Sa Rating
Hindi lang ang ang Kathniel fans sa Pinas ang nakiiyak sa nangyaring hiwalayan nina Chichay (Kathryn Bernardo) at Joaquin (Daniel Padilla) sa “Got To Believe.” Maging ang mga viewer sa TFC sa iba’t ibang bansa ay nalungkot at labis na na-shock sa bilis ng pangyayari na tinapos na ni Chichay ang relasyon nila ni Joaquin. Pero alam naman natin na may sariling dahilan ang dalaga gusto lang niyang maipagamot o maoperahan na ang lalaking minamahal (Joaquin) sa bansang Amerika. Pero ‘di naman niya sukat akalain na matapos magtagumpay ang ope-rasyon ni Joaquin, na matanggal ang bala sa kanyang ulo ay hindi na siya nito kilala at may iba ng babaeng minamahal sa katauhan ni Liza Soberano. Kahit may karibal na si Chichay sa puso ni Joaquin ay umaasa pa rin ang lahat lalo na ang Katniel na kapag bumalik na ang alaala ni Joaquin ay si Chi-chay pa rin ang agad na ha-hanapin. Hate ngayon si Liza ng viewers ng Got to Believe dahil feeling nila ay inahas niya si Joaquin kay Chi-chay. By the way, hindi lang nag-trending worldwide ang split-up ng mga bida ng G2B kundi umapaw pa ito sa mataas na ra-ting na 29.8%. ‘Yan ay base sa National TV Ratings para sa Urban at Rural Primetime. Mapapanood ang nasabing super exciting na teleserye pagkatapos ng Honesto sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Sarap panoorin gyud!
“Buzz ng Bayan,” namayagpag sa listahan
ng most-watched shows noong Linggo…
ABS-CBN PRIMETIME BIDA,
PINAPANOOD
NG MAS MARAMING PINOY
Pinagharian ng ABS-CBN shows ang primetime TV at naging top 5 most watched TV programs sa buong bansa nitong Lunes (Enero 27), kung kailan inilunsad ang kompetisyon ng mga bagong teleserye, base sa datos mula sa Kantar Media. Pinakapinanood na TV show ang napapanahong programa tungkol sa katapatan ni “Honesto.” Pumalo ito sa all-time high national TV rating nitong 33.3%. Ang Primetime Bida series na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kapamilya child star na si Raikko Mateo ay lamang ng mahigit 18 puntos sa katapat na programa sa GMA na “Adarna” na mayroon lamang 14.9%. Tinutukan naman ng buong bayan ang “TV Patrol” para sa mga nagbabagang balita kabilang ang pinakabagong detalye kaugnay ng kaso ng pambubugbog kay Vhong Navarro. Namayagpag ito bilang pangalawang most-watched TV program taglay ang national TV rating na 33.1%, o lampas 18 puntos na lamang sa 14.8% na katapat nitong newscast na “24 Oras.” Umariba sa ikatlong pwesto ang “Got To Believe” na may 29.8% national TV rating, o lampas 15 puntos na kalamangan sa 14.4% ng bagong katapat na “Carmela.” Kasunod ng “Got To Believe” ang “Annaliza” na nanatiling panalo taglay ang 23.7% national TV rating o 14 puntos na lamang sa 9.6% pilot rating ng bagong katapat na “Paraiso Ko’y Ikaw.” Samantala, reyna agad ng timeslot ang pinakabagong family drama series na “The Legal Wife,” na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Maja Salvador, JC de Vera at Jericho Rosales. Panglima ito sa ‘most-watched’ TV programs sa bansa taglay ang 21% national TV rating. Talo ng 10 puntos ang karibal nitong “Rhodora X” na nagkamit lamang ng pilot rating na 11%. Wagi rin sa timeslot ang finale week ng Koreanovela na “When A Man Falls In Love.”
Panalo ito sa nakamit na 9.4% national TV ra-ting, kompara sa katapat na “A 100-Year Legacy” na may 6.8% lang. Tagumpay rin sa TV ratings game ang trending entertainment talk show ng ABS-CBN na “Buzz ng Bayan” na namayagpag sa listahan ng most-watched TV shows noong Linggo (Enero 26) taglay ang national TV ra-ting na 20.5%. Ang episode na nagtampok sa premium exclusive interview ni Boy Abunda kay Vhong ay na-ging No. 1 Sunday TV program, ka-tie ang Kapamilya sitcom na “Home Sweetie Home.” Ang datos mula sa Kantar Media ay batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas na kumakatawan sa 100% ng kabuuang TV viewing population ng Pilipinas. Huwag palampasin ang sunod-sunod na de-kalidad na programa tuwing gabi–“Annaliza,” “TV Patrol,” “Honesto,” “Got To Believe,” “The Legal Wife,” at “When A Man Falls In Love” –sa ABS-CBN Primetime Bida.
At para laging updated sa pinakamaiinit na balitang showbiz, abangan rin ang “Buzz ng Bayan” tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng “Luv U.”
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
Peter Ledesma