PINANINDIGAN ng starlet-model na si Deniece Cornejo ang alegasyong tinangka siyang gahasain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.
Sa kanyang complaint-affidavit sa isinampang rape case kahapon laban kay Navarro sa Taguig City Hall of Justice, sinabi ni Cornejo na pinilit siya ng aktor na mag-perform ng oral sex.
Habang nasa loob aniya sila ng kanyang unit sa Forbeswoods Height condominium sa Taguig noong gabi ng Enero 22, biglang nag-iba ang mood ni Navarro at ibinalya siya sa sofa.
Ayon kay Cornejo, nagpumiglas siya pero hinila ni Vhong sa kama, hinubaran at pinilit na mag-oral sex.
Sinikap niyang manlaban sa kanyang “Kuya Vhong” at sumisigaw ng “huwag po” pero hinihila ni Navarro ang kanyang buhok at inginudngod ang mukha sa ari ng aktor.
“Kuya Vhong continued to pull my hair and forced my face into his genitals despite my cries of ‘No, huwag po. He kept pushing his penis into my mouth and I tried with all my might to push him away,” ani Cornejo.
Bagama’t hindi raw nahubad ng aktor ang shorts ni Deniece, sinabi ni Cornejo sa kanyang affidavit na pinilit ni Vhong na ipasok sa kanyang private part ang pagkalalaki ng aktor.
“At that point, I felt that his hard penis was already touching my private part… He was forcing his hard penis into my vagina,” dagdag pa ni Cornejo sa kanyang affidavit.
Ang sumunod na nangyari ay inilarawan ni Cornejo na milagro dahil dumating ang kanyang mga kaibigan at hinatak ang TV host.
“It was only by a miracle that my friends suddenly appeared to help me. I suddenly felt the weight of Kuya Vhong taken away from me and when I was free, I ran to the first person I saw, who was a female friend of mine. I was crying, inconsolable, and hysterical,” wika pa ng modelo.
Dagdag pa ni Cornejo, sa police station ay humingi ng paumanhin sa kanya si Navarro at nagmakaawa na pakawalan.
Napag-alaman na sa kanyang affidavit sa kasong isinampa laban sa grupo ni Cedric Lee na siya aniyang nambugbog sa kanya, sinabi ni Navarro na ‘isinubo’ siya ni Cornejo sa unang pagtatagpo nila noong Enero 17, taliwas sa sinasabi ni Deniece na nangyari ito nitong Enero 22.
(HNT)