HINATULAN ng 11 taon pagkabilanggo ng Manila Regional Trial Court Branch 50 ang clerk/teller ng Manila RTC sa kasong malversation of public funds sa pamamagitan ng pagpalsipika ng public documents.
Sa desisyon ni Judge Bibiano G. Colasito na may petsang Enero 2, 2014, si Normalyn Nacura y Palmar ay guilty beyond reasonable doubt kaya hinatulan ng 11 taon, anim buwan at 20 araw na pagkabilanggo.
Bukod dito, iniutos din ng hukom na mapa-tawan si Nacura ng perpetual special disqualification at pinagbabayad ng multang P20,000.
Ayon sa record ng kor-te, noong Abril 15, 2003, tumanggap si Nacura ng halagang P40,000 mula sa Summit Insurance Company, Inc., sa pa-mamagitan ni Ronald Anthony Pamilar y Lorenzo, bilang judicial payment sa confiscated bonds.
Inisyuhan ni Nacura si Pamilar ng original at triplicate copies ng resibo.
Ngunit ang duplicate copy ng nasabing resibo na iniwan ni Nacura bilang record sa Office of the Clerk of Court ng Manila RTC ay nakasaad lamang ang halagang P20,000.
Gayonman, pinatunayan ni Pamilar na P40,000 ang halaga ng kanyang ibinayad kay Nacura sa pamamagitan ng pagpresenta sa korte sa tinanggap niyang orihinal na resibo.
“Wherefore, judgment is rendered, finding the accused Normalyn Nacura y Palmar guilty beyond reasonable doubt of malversation of public funds through falsification of public documents and she is sentenced to 11 years, 6 months and 20 days of prison mayor maximum to reclusion temporal minimum. Perpetual special disqualification and to pay a fine of P20,000,” desisyon ng korte.