NAHAHARAP sa kasong tax evasion sa DoJ ang isang contractor ng Malampaya Fund Infrastructure Projects dahil sa hindi pagbabayad nang tamang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kinilala ni BIR Commissioner Kim Henares, ang may-ari ng contractor na si Ulyses Palconet Consebido, sinasabing hindi nagsumite nang tamang income tax return at VAT.
Inihayag ni Henares, kasong paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 ang isinampa laban kay Consebido.
Si Consebido ay solong may-ari ng Seven-digit Construction and Supplies na nakabase sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Sinasabing hindi nakapagbayad si Consebido ng buwis sa taon 2008 at 2009 kaya’t nasa P93.57 million ang hinahabol na buwis ng BIR.
(LEONARD BASILIO)