Monday , December 23 2024

Lookout order vs Lee, Cornejo et al, inilabas

NAGPALABAS na ng lookout bulletin order ang Department of Justice (DoJ) laban sa mga inireklamo ng TV host/actor na si Vhong Navarro na nambugbog sa kanya noong gabi ng Enero 22.

Sa apat pahinang memorandum na nilagdaan ni DoJ Secretary Leila de Lima, iniutos niya na mailagay sa “lookout bulletin” ng Bureau of Immigration (BI) sina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Rance.

Ang nasabing kautusan ay bilang tugon ng BI sa criminal case na isinampa ng 37-year-old actor at National Bureau of Investigation (NBI) na serious illegal detention at serious physical injuries.

Kaugnay nito, inatasan ni BI Commissioner Siegfried Mison ang immigration counters ng international ports at seaports na agad makipag-ugnayan sa National Prosecution Service (NPS) sakaling lalabas ng bansa ang mga akusado.

Samantala, nagtalaga na ang DoJ ng panel of prosecutors na hahawak sa mga kasong isinampa ni Navarro laban kina Lee, Cornejo at iba pa na may kaugnayan sa pambubugbog sa kanya.

Sa kautusan na nilagdaan ni DoJ Prosecutor General Claro Arellano, itinalaga na hahawak sa preliminary investigation sa kasong isinampa ni Navarro ay sina Assistant State Prosecutor Olivia L. Torrevillas, Assistant State Prosecutor Hazel C. Decena-Valdez at Assistant State Prosecutor Marie Elvira B. Herrera.

Napag-alaman na kabilang sa mga kasong isinampa kamakailan ng NBI at ni Navarro ay ang serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *