ni Pilar Mateo
MAGIGING Iza Calzado day sa ABS-CBN sa Sabado, Pebrero 1 dahil It’s Showtime pa lang eh, siya muna ang papalit sa absent na si Anne Curtis.
Sa araw na ‘yun na rin mapapanood ang primer ng show na iho-host niya, ang Biggest Loser Pinoy Edition Doubles na magpe-premiere naman sa February 3 sa primetime sa Dos!
At sa gabi, lifestory naman niya ang matutunghayan sa MMK (Maalala Mo Kaya).
Si Empress ang gaganap sa katauhan ni Iza. Kasama sina Belle Mariano as the young Iza,Christian Vasquez as her father Lito, Dimples Romana, Ina Feleo and Joross Gamboamula sa direksiyon ni Raz dela Torre.
Naibahagi rin ito ni Iza sa presscon ng Biggest Loser dahil malapit na malapit ito sa kanyang puso at nakare-relate siya.
“I was bullied din kasi dahil I was really fat or chubby. Tinatawag ako na baboy. Maitim. All names na ‘ata. And talagang noong time na mabalitaan ko na may ‘Biggest Loser’ noong unang season nito, gusto ko talaga mapasali. Kasi ito ‘yung istorya ko. Masakit din kasi ang pinagdaanan ko kaya ngayon na nakuha ako to host it talagang I feel so blessed dahil marami rin akong naise-share sa contestants to be an inspiration and encourage them to be healthy. To walk the talk!”
Ang challenge masters sa show ay sina Robi Domingo at Matteo Guidicelli. At ang coaches ay ang mag-asawang sina Jim at Toni Saret.
May inspiring story nga ang mag-asawang coach. Dahil wala at nasa Amerika ang dating coach na si Chinggay, kinailangan nilang humanap ng kapalit.
Sa dalawang challenge masters naman, ang nausisa e ang suporta ng mga inspirasyon nila sa buhay.
Si Robi with his GF Gretchen Ho na nagiging abala naman sa kanyang volleyball pero nagsusuportahan daw sila sa sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Sabi ni Robi, ang ginagawa raw ni Matteo eh ang ‘umikot-ikot’ with Sarah Geronimo.
Labing-apat na pairs ang isasalang sa nasabing reality show. At aminado naman ang mga host, coaches at masters na in one way or the other eh, nagiging involved din sila dahil nakikilala nila hanggang sa personal na mga buhay nila ang mga contestant.
Hindi naman daw naisip ni Iza nang dumating sa kanya ang proyekto na si Sharon Cunetapala ang papalitan niya.
“Kasi noon pa nga talaga I want to be part of it. Kaya noong paglipat ko rito, ‘yun naman pala ang alis ni Mega. So, never naman ako nag-alangan. I wanted to do this show. Parang nagkataon, nagkatagpo. Wala si mega. There’s a void to be filled. Basta the minute I heard about it gusto ko talaga kasi makare-relate ako because I have been there. So, there never was an apprehension.”
And yes! Biggest winner din sa puso ni iza ang businessman na si Ben Wintle. At nakatutulong daw para mag-work ang kanilang relationship ‘yung pareho silang athletic.
“Requirement ko kasi ‘yan sa liligaw sa akin or makaka-date ko. Na we should have something in common. At ito ‘yung pareho naming ini-enjoy.”
Excited si Iza to share a portion of her life. At sa Sabado na ito magsisimula!