DINARAYO ang isang imahen ng Sto. Niño na napulot ng tatlong bata sa damuhan sa Lapu-lapu City, Cebu at iniuwi sa kanilang bahay matapos magsalita na isama siya at huwag itapon.
Nitong Miyerkoles, sinasabing ang imahen ng Sto. Niño ay nakita ni Neniel Ballermo, 3, at magkapatid na KJ Ace, 4, at Shermel Arellano, sa madamong bahagi sa Brgy. Mactan, malapit sa baybayin.
Sa pag-aakalang laruan, pinulot ng mga bata ang imahen ngunit naihagis nila ito sa pagkagulat nang magsalita at lumambot ang katawan ng Sto. Niño.
Hindi naman makapaniwala ang mga magulang ng mga bata sa kwento ng kanilang mga anak.
“Akala nila manika kasi maganda ang sombrero. Nang makita ko hindi naman ordinaryong laruan kundi Sto Niño,” ayon kay Ramil Arellano, ama nina KJ Ace at Shermel.
“Narinig daw ng anak kong sinabi ng imahen na ‘huwag niyo akong itapon, dalhin niyo ako,’” Ani Janet Ballermo batay sa kwento ng kanyang anak na si Naniel.