Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangis ni Marian, ‘di umubra sa kamandag nina Kathryn at Daniel (Carmela, butata sa Got to Believe…)

ni   Alex Brosas

HINDI napanindigan ni Marian Something ang ibinigay na moniker sa kanya ng GMA-7 na Primetime Queen.

Kasi naman, sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pa lang ay hindi na niya natalo sa rating ng pilot episode ng soap opera niya.

Sa lumabas na Kantar Media/TNS-National rating for January 27, 2014 ay tinalo ng Got To Believe (29.8%) ang Carmela (14%). Luz Valdez din ang Rhodora X  (11%) sa The Legal Wife (21%).

At kahit sa AGB Nielsen Mega Manila Household ay butata pa rin ang soap ni Marianita na 18.1% ang nakuhang rating laban sa Got to Believe na 28%. Wagi rin ang The Legal Wifewhich got 23.9 against Rhodora X’s 15.8.

Pilot episode pa lang ‘yan, ha, pero talunan na kaagad ang Primetime Queen ng number two network in the country.

So, balewala pala ang PR effort ng Corporate PR ng GMA kina Marian at JennylynMercado. Kahit na anong gawin nilang magic ay talagang wala na palang appeal ang dalawang starlet na ito sa televiewers. Teka, baka sabihin nila hindi pa lumalabas ang dalawa sa soap kaya hindi pa ito masyadong tinatangkilik.

Well, it could be pero we doubt kung mauungusan ng Carmela ang Got to Believe. Baka sa kalaunan ay ilagay nila sa ibang timeslot ang soap ni Marianita dahil pinakain ito ng alikabok nina Daniel at Kathryn.

Ano kaya ang mase-say dito ng magaling na PR head ng Siete na si Angel Javier?

Richard, binatikos sa pagsawsaw sa bugbugan issue

NAKIKISAWSAW ang tingin ng marami kay Richard Gomez when he posted a controversial caption sa kanyang Instagram photo where he posted the picture of Vhong Navarro, Cedric Lee and Deniece Cornejo.

“Ang gawin nilang 3 ay mag file ng kaso sa korte. Kung sino ang mahusgahan na may sala ‘yun ang bugbugin nating sabay-sabay. Game kayo?”

‘Yan ang caption ni Goma na talagang pinag-usapan nang husto sa social media.

Not surprisngly, puro batikos ang inabot ng actor.

“At may time talaga ang la ocean deep na mag comment ha…hahaha yun na! Paaaak!

“’Yan ba ang utak ng gustong mag congressman or mayor?”

“And this is from a person who wished to be a public servant. Stay classy Richard!”

“Ang cheap ng ugali? Ng aya pa ng ksama? Alam na.”

“’Bugbugin natin. Game kayo?’ Speaks a lot of his breeding (and lack of it). Tapos, ang kapal pa ng mukhang mag-run as congressman? Hay na ko.”

“Goma ikaw ba yan? ganyan ka ba bayolente utak mo ???? kaya pala lagi kang natatalo sa eleksyon dahil sa bayolenteng utak mo !!!! shame!”

“Mas maganda kung sya nalang ang bugbugin!! Wala nmn syang maitutulong sa kaso!! So insensitive!!”

Ilan lamang ‘yan sa mga violent reaction ng mga ao sa isang popular website.

Maging kami ay na-turn off sa inasal ni Goma. If he was joking, obviously it was a bad joke. True nga ang sinabi ng isang guy, napaka-insensitive ni Goma.

Oh, well, hindi na rin naman kami nag-e- nang malaki rito kay Goma kasi in our past interview with him ay sinabi niya sa amin na hindi siya tatakbo for public office. Malaking gastos lang daw iyon at gagamitin na lang niya ang pera para sa edukasyon ng kanyang anak.

Actually, napabilib niya kami sa kanyang sinabi. But years later, biglang tumakbo ang lolo mo kaya super disappointed kami sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …