ni Rommel Placente
KUNG inamin ni Angel Locsin na mahal pa rin niya hanggang ngayon ang ex-boyfriend na siLuis Manzano, si Phil Young husband na ex din ni Angel ay inamin na may pagtingin pa rin siya kay Angel hanggang ngayon.
Kaya lang, kung sakaling ligawan uli ni Phil si Angel, malabo na silang magkabalikan pa dahil inamin nga ng aktres na mahal niya pa si Luis.
So, kung sakaling may babalikan siya, si Luis ‘yun, ‘di ba? Balita nga na nagkabalikan na ang dalawa, wala pa lang kompirmasyon na nanggagaling sa kanila.
Natatandaan naming sinabi noon ni Angel sa mga interview niya na hindi na siya nakikipagbalikan sa mga nagiging karelasyon niya. Kung ganyang malakas nga ang bulong-bulungan na nagkabalikan sila ng panganay ni Gov. Vilma Santos, kinain niya lang pala ang sinabi niya .
Pero hindi naman natin masisisi si Angel. Sinunod niya lang ang itinitibok ng kanyang puso. Sabi nga, mahirap kalaban ang puso, ‘di ba?
Lloydie, gaganap na mentally retarded sa isang pelikula
MAY bagong pelikula si John Lloyd Cruz mula sa Star Cinema na hindi pa muna nabibigyan ng titile. Isang “developmentally delayed” person ang karakter na gagampanan niya sa pelikulang ito na ididirehe ni Chito Roño.
“’Yung tawag doon kasi ay MR or mentally retarded. Pero ngayon kasi, sinasabi ng mga professional, ang mas politically correct term daw is developmentally delayed o DD. Mahirap siya because it’s not Budoy (character na ginampanan noon ni Gerald Anderson na isa siya ritong sinto-sinto) na talagang kitang-kita mo. Ang mahirap dito, hindi mo malalaman na mayroon siyang case ng DD hanggang mag-engage kayo sa isang conversation, so mukha siyang normal,”paglalarawan ni Lloydie sa kanyang role.
Pinaghandaan ni Lloydie ang kakaiba niyang role sa bago niyang pelikula. Nag-research daw siya about the mentally delayed persons.
“I also did a little bit of immersion na gusto ko pang pagyamanin because kulang na kulang pa ang preparation. So, hopefully, kapag tumatakbo na ang project, mas magkakaroon ako ng interaction with my director and my writer para mas mapagyaman ‘yung character and story.”
Noong una ay alanganin pa si John Lloyd na magbigay ng detalye tungkol sa bagong pelikula niya. Katuwiran niya, nakahihiya sa mga fan na nag-aabang kung sakaling hindi matuloy, na paminsan-minsan ay nangyayari raw talaga.
“Unang-una, kaka-start pa lang namin, so wala pa akong masyadong mai-share about it. Ang alam ko lang is ‘yung final cast.
“Of course, ‘yung director namin is si Direk Chito. Storywise, wala pa akong masabi. Alam niyo naman na kapag ganyan, paiba-iba, maski nga sa cast, eh. Kaya medyo hesitant ako na magsabi ng cast kasi, parang based sa na-experience ko rati, about giving information and details sa projects na ginagawa ko, medyo nakakadala na.
“Nahihiya rin kami sa fans na umaasa, na parang, ‘O, akala ko ba sinabi mo na may project ka with this actor, this actress?’ Tapos, hindi nangyayari.”pagtatapos ni Lloydie.