Monday , December 23 2024

Robi, napilitang mag-exercise dahil sa paninira at panunukso

ni  Reggee Bonoan

KAKAIBANG reality show daw ang Biggest Loser kompara sa PBB at The Voice ayon kay Robi Domingo dahil, “hindi lang siya game show, it’s a commitment once you’re there. Hindi naman siya tungkol sa palakasan ng personality o sa boses. It’s about figures, makikita mo talaga sa timbangan kung mananalo ka o hindi kasi you will push yourself to your limits para makuha mo ‘yung title. So, ang insights ko roon, mahirap ‘yung pinagdarananan (contestants) kasi ako rati sobrang taba ko rin when I was in grade school like I’m standing 5’3 and weighing 180 pounds.

“So, nakare-relate rin ako sa kanila so, don’t worry, phase ‘yan sa buhay natin, so once na napagtagumpayan nila ‘yan, you would experience more than being fit, ‘yung emotional badges mawawala.”

Dahil hindi na kaya pang marinig ni Robi ang mga paninira at panunukso sa kanya ng mga kaibigan ay talagang super exercise na siya at may kasamang takbo at puro oatmeal lang ang kinakain niya hanggang sa unti-unti niyang napapansing nagbawas na siya ng timbang.

“Bigla na ngang may humihingi ng number (cellphone number) ko, eh,” nakangiting sabi ni Robi.

Samantala, inamin ng binata na pressured siya ngayon sa sa pagwo-work out dahil physically fit din ang girlfriend niyang si Gretchen Ho na kilalang Volleyball player ng Ateneo at ayon kay Robi kapag nakikita niyang pawisan na ang dalaga ay nahihiya na siyang magpa-pawis dahil, “gusto kong hubarin ang T-shirt ko para punasan siya,” natatawang sabi ng binata.

Minsan daw ay magkasabay na mag-work out sina Robi at Gretchen at ngayong aktibo na naman ang dalaga sa kanyang volleyball team ay hindi na raw iniistorbo ng TV host dahil, “kasi baka mapilayan, eh, masisi pa ako, at saka bawal kasi sa kanila ng may ibang ginagawa aside sa work out nila.”

Mapapanood sa unang linggo ang bagong twist na agad matutunghayan sa tinatawag na “pre-camp.” Sa pre-camp ay hahamunin ang mga pares na magbawas ng timbang sa loob lamang ng 30 days gamit lamang ang sarili nilang pagsisikap upang subukin ang kanilang determinasyong makapasok sa Biggest Loser Doubles camp.

Matapos ang 30 araw, magkikita ang 14 pares sa “Timbangan ng Bayan” para alamin kung sino-sino lamang ang may mga malaking nabawas sa pinagsamang timbang na siyang bubuo sa opisyal na hanay ng Biggest Loser contestants.

Sa loob naman ng camp, inaasahang uudyukin ng mga miyembro ng bawat pares ang isa’t isa na gawin ang lahat upang manatili ang kanilang koponan sa kompetisyon kaya’t masusubok din ang kanilang samahan bilang magkapamilya, magkaibigan, o magkabiyak.

Sino kaya sa kanila ang magagawang magbawas ng pinakamalaking porsiyento ng timbang sa pagtatapos ng kompetisyo at mananalo ng premyong  P1-M, appliance showcase, P100,000 worth ng sports merchandise mula sa Toby’s, panghabambuhay na membership sa Gold’s Gym, isang kitchen showcase, at marami pang iba.

Anyway, mapapanood na ang Biggest Loser sa Pebrero 3, Lunes at sinigurado ng hosts na sina Iza Calzado at Matteo Guidicelli kasama ang fitness coaches na sina Jim at Toni Saret na makare-relate ang lahat sa mga contestant.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *