Thursday , November 14 2024

Oral sex hindi rape (2 kampo nagpalitan ng asunto, CCTV footage inilabas ng NBI)

013014_FRONT
IDINETALYE ng TV host/actor na si Ferdinand “Vhong” Navarro sa kanyang isinumiteng sinumpaang salaysay sa National Bureau of Investigation (NBI), ang  nangyari sa unang pagtatagpo nila ng ramp model na si Deniece Cornejo noong Enero 18 na sinabi niyang walang “sexual intercourse” pero may naganap na “oral sex.”

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, isa sa legal counsel ng aktor, ito’y habang inuubos ng dalawa ang inihandang white wine.

Aniya, isinalaysay ni Vhong sa affidavit na si Deniece ang “nag-perform” sa kanya ng oral sex.

Nangangahulugan aniya ito na tanging si Navarro lamang ang nagkaroon ng satisfaction kung kaya’t labis na lamang ang “galit” ng babae na agad nag-text sa TV host ng “bad boy ka talaga” matapos umalis ng condominium unit ang aktor.

Ang naturang scenario ay kabilang din sa bahagi ng sinumpaang salaysay ni Vhong sa NBI.

Nakasaad din doon ang kwento na mabilis din humingi ng sorry ang 37-year-old actor sa 22-anyos babae.

“Well, it’s just shows na there was no really basis for Deniece now to say that somehow may ginawa sa kanya si Vhong. In other words nagkaroon sila ng sexual relationship it appears to have been voluntary ‘di ba? Dahil ‘yon nga. Mahirap yatang sabihin ‘yon na rape di ba? Ang kahalagahan lang noon it goes into question ‘yong sinasabing nire-rape. Bakit nire-rape “naka-first base” ka na noon hindi ba? Pumayag naman,” paliwanag pa ni Atty. Mallonga.

HATAW News Team

Batay sa CCTV footage
WALANG RAPE SA VHONG – DENIECE ENCOUNTER — NBI

IDINEKLARA ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagtutugma ang naging pahayag ng TV host/actor na si Ferdinand “Vhong” Navarro sa nakuha nilang CCTV footage sa condominium na tinutuluyan ng actress/model na si Deniece Cornejo.

Ginawa ni NBI National Capital Region assistant regional director Vicente de Guzman ang pahayag sa press conference sa NBI headquarters matapos ipalabas sa harap ng media ang CCTV footage.

Ayon kay Atty. De Guzman, isa sa malinaw na nakita sa video footage ay nang mangyari ang pambubugbog ay nasa labas ng kanyang condo unit si Cornejo.

Paniwala ng opisyal, walang naganap na tangkang panggagahasa kay Cornejo batay sa kanilang nakalap na ebidensiya lalo na kung pagbabatayan ang CCTV.

Sa inisyal na imbestigasyon ng NBI ay mayroon nang dalawang kasamahan ni Cedric na nasa loob na ng condo unit ni Cornejo bago pa man dumating si Vhong.

Ang dalawang suspek  ay hindi rin nakita o nakasama sa pagdating ng grupo ni Cedric sa lobby ng condominium.

Ang dalawang lalaki ay nakita na lamang sa loob ng elevator makalipas ang mahigit 30 minuto na bitbit na si Vhong at bugbog-sarado.

Ayon kay De Guzman, nagtutugma ito sa naunang pahayag ni Vhong na sa pagpasok niya sa kwarto ay mayroong bigla na lamang lumabas na dalawang lalaki.

Ang tatlong set ng CCTV footages ay mga kuha sa entrance, lobby at elevator ng condominium.

Lumalabas na dakong 10:38 p.m. nang pumasok si Navarro sa Tower 2 ng condominium unit ni Cornejo, habang 10:40 p.m. naman nang lumabas ang aktres mula sa loob ng unit.

Dakong 10:40 p.m. nang nakapasok sa unit si Cedric at ilang minuto lamang ang nakalipas ay pumasok din ang dalawa pang kasamahan ng negosyante kasama ang kapatid na babae na si Bernice at isang Mike habang nasa labas pa ang aktres.

Umabot ng mahigit 30 minuto bago nakalabas ng mismong condominium unit si Navarro na nakagapos na ang kamay kasama ang walong iba pa na kinabibilangan ng dalawang babae at anim na kalalakihan dakong 11:13 p.m.

RAPE VS VHONG INIHAIN NA NI DENIECE

INIHAIN na ng modelong si Deniece Cornejo kahapon ang kasong panggagahasa laban kay Vhong Navarro.

Ginawa ang filing sa Taguig City Prosecutors office.

Kasama ni Cornejo sa paghahain ng demanda ang kanyang mga abogadong sina Atty. Howard Calleja at Atty.  Connie Jimenez.

PAMBUBUGBOG KAY VHONG PLANADO

KOMPIYANSA   ang  kampo ng TV host/actor Vhong Navarro na plinano ang pambubugbog at pananakit sa kanya ng grupo ni Cedric Lee  at Deniece M. Cornejo.

Ayon kay Atty. Alma Mallongga,  abogado ni Navarro, malinaw sa nakuhang kopya ng CCTV camera na imbitadong guest ni Cornejo si Navarro noong Enero 22, 2014, petsa na naganap ang pambubugbog  ng mga respondent  sa kanyang kliyente.

Bagama’t sinasabi ni Cornejo na hindi niya inaasahan  ang pagdating ni Navarro, pero malinaw sa blotter ng gwardiya ng condominium  na ibinilin ni Cornejo ang pagdating ng actor.

Bukod sa CCTV footage, may hawak pa silang mga ebidensiya na premeditated o plinano ang pananakit kay Navarro.

“Noong una sinabi ni Deniece Cornejo na hindi niya alam ang pagdating ni Vhong Navarro pero malinaw sa  blotter ng guard na ibinilin siya (Navarro) ni Deniece sa mga gwardya,” paliwanag ni Mallonga.

(leonard basilio)

SINGAPORETRIP NINA CEDRIC AT DENIECE NABISTO NG NBI

Iniimbestigahan  ng National Bureau of Investigation (NBI) ang napabalitang tangkang pagpunta sa Singapore nina Cedric Lee at Deniece Cornejo, sa gitna ng isyu ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

Sinabi ni NBI Director Virgilio Mendez, ilalapit niya kay Justice Secretary Leila de Lima para malaman kung anong hakbang ang dapat isagawa.

Inihayag ni Mendez nakausap na siya ni Howard Calleja, abogado nina Lee at Cornejo, na nagtiyak na pupunta ang kanyang mga kliyente sa NBI.

Ayon sa mga source, lumutang ang pangalan ng dalawa sa integrated information at booking system ng Philippine Airlines (PAL).

Batay sa rekord, nakapag-book ang dalawa ng biyahe pa-Singapore via PAL flight PR 503, dakong7:55 a.m. ng Pebrero 6.

Napag-alaman na nai-book ang flight, dalawang araw ang nakararaan matapos sumabog ang isyu sa kinahinatnan ni Navarro.

Hindi makompirma ng airline sources kung mismong sina Lee at Cornejo ang nag-book ng biyahe.

Sa detalye ng source sa Bureau of Immigration (BI), wala pa ang pangalan ng dalawa sa Immigration watch list o hold departure order (HDO) na magpipigil sa kanila na lumabas ng bansa.

Ipinabeberipika na ni Justice Secretary Leila de Lima sa Immigration ang naturang ulat.

LOOKOUT BULLETIN ILALABAS NG DOJ

handang maglabas ng lookout bulletin order (LBO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay Cedric Lee at Deniece Cornejo na parehong kinasuhan kaugnay ng pambubugbog sa aktor at TV host na si Vhong Navarro.

Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na hinihintay na lang nila ang pormal na hiling ng National Bureau of Investigation (NBI) o ng kampo ni Navarro.

Sa pamamagitan ng LBO, inuutusan ang lahat ng Immigration officers sa buong bansa na maging alerto sa posibleng pag-alis ng mga pinababantayang indibidwal.

Gayonman, hindi pa rin mapipigilan ang mga suspek na makalabas ng bansa hanggang walang warrant of arrest o nakabinbing kaso sa korte.

Martes ng hapon nang sampahan ng kasong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, unlawful arrest at blackmail sina Lee at Cornejo.

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *