Monday , December 23 2024

“Kami ang hari ngayon”

Sitting down, Jesus called the Twelve and said, “If anyone wants to be first, he must be the very last, and the servant of all.—Mark 9: 35

ITO ang bukambibig ng talu-nang kandidato na si Rafael “ Che” Borromeo at ng tuta niyang si Fernando Luga este Lugo, officer in charge ng Department of Public Syndicate este Services o DPS.

Sila raw ang mga “hari” ngayon sa Maynila. Sila raw ang masusunod, wala raw makapipigil sa kanilang mga gawain.

Mapa-legal o ilegal na gawain! Dios Mio, katakot naman!

***

BUT I firmly believe na hindi ito alam ng Pa-ngulong Erap na may ganyang dialogo at pagkilos ang dalawang kumag. Katulad ng kanyang nasabi ng kanyang unang araw sa city hall, noong Hulyo 1, na hindi niya kukunsintihin ang mga maling gawain ng sinuman opisyal o kawani ng Lungsod.

Mahigit 20 taon na tayo sa barangayan Pangulong Erap, pero ngayon lamang ako nakarinig ng ganitong ‘pagmamayabang’ ng isang opisyal at ng isang hindi pa naman pormal na opisyal ng city hall.

Kung sina Luga at Borromeo ang “hari” e ano pa papel ng Pangulong Erap?——alila!

BRGY OUTPOST NA NAKATULONG LABAN SA KRIMEN, IDEDEMOLIS?!

NAKATANGGAP tayo ng impormasyon na target ng grupo ni Lugo at Borromeo na kasamang idemolis ang mga ipinatayo ko na barangay outpost sa apat na tulay na aking nasasa-kupan.

Sakop ng Barangay 659-A Zone 71 ang Plaza Lawton, Jones bridge, McArthur bridge, Que-zon bridge at kaliwang bahagi ng Ayala bridge.

***

PANGULONG Erap, kung tuluyang babaklasin ang barangay outpost na aking itinayo sa mga nabanggit na lugar, tiyak na magiging laganap po muli ang holdapan at snatching dito.

Batid naman natin ang kakulangan ng pulis-ya sa Maynila, kaya naman ang aking barangay ay katuwang ng pulisya sa pagsugpo ng krimen. Katunayan, nasawata ng aking mga tanod ang mga krimen mula nang maglagay kami ng mga barangay outpost dito. Noon kasi, takbuhan ito ng mga holdaper at snatcher na tatalon lamang sa tulay hanggang hindi na makita sa kawalan, lalo na ang Ayala bridge.

Ngayon, malaya kang makalalakad nang walang pangamba sa tulay patungo sa San Miguel.

***

KAYA naman Pangulong Erap ganoon na lamang ang pasasalamat sa atin ng building administrators ng mga naglalakihang condomin-iums sa ating barangay dahil naitalang “zero crime incidents” ang Barangay 659-A.

Nakapagpatayo din tayo ng mga CCTVs ca-meras sa mga piling lugar. Pangulong Erap walang sino man negosyante o vendors na makapagtuturo sa akin na ako’y nangmolestiya, nangotong o nanghingi  ng ano mang donasyon sa mga gawain sa ating barangay, kung minsan pa nga ay abono ang inyong lingkod. Sakop ng aking barangay ang naglalakihang condominium gaya ng Gotesco 1&2 condominium at Zen to-wer, ang BSP Hotel, ang Park and Ride terminal at iba pa

Wala silang mga reklamo sa pagpapalakad natin sa Barangay!

***

NAIWASAN na rin ang pagnanakaw ng malalaking bakal na itinayo ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa riverbanks.

Napangalagaan namin ang katiwasayan at katahimikan mula nang maisipan ng inyong lingkod na magtayo ng mga barangay outpost sa ilalim ng bawat tulay, partikular sa area ng Ayala bridge.

Kaya naging malaking tulong ang barangay outpost sa pagsugpo ng krimen dito!

PANAWAGAN KAY CITY

ENGR. ROBERTO BERNARDO

MULI, sana naman ay mapakingan ni City Engineer chief Roberto Bernardo ang apela natin. Huwag sana siyang magpagamit at magpalinlang sa mga taong may pansariling mga interes.

Bukas ang aking tanggapan para malaman po ninyo ang katotohanan. Dahil nililigaw lamang kayo ng dalawang kumag gaya ng pagsasabi na nagkaroon na noon ng alok na relokasyon sa lugar.

That is a big, big lie!

***

CITY Engineer Bernardo, wala pa po naganap na pag-aalok ng relokasyon dahil hindi naman ito nakapaloob sa ipinagbabawal na 3 meter zone ng Korte Suprema.

Matagal nang naninirahan ang aking mga tanod at kagawad na may walong metro ang layo mula sa riverbanks. Sila ang nagsilbing security guards sa mga nagtatangkang magtayo ng ano mang estruktura malapit sa ilog-Pasig.

Dahil mahigpit ko ipinagbabawal ang pagtatayo ng kabahayan malapit sa riverbanks!

REMINDER KAY PANGULONG ERAP

PAALALA lang din Pangulong Erap, walang loyalty ang mga taong ‘yan kung tutuusin. Patalon-talon ng bakod, palipat-lipat, papalit-palit, na kung sino ang nakapuwesto siya nilang amo!

Hanggang may maloloko silang opisyal ng Lungsod ay gagawin nila, makuha lamang ang inaasam na puwesto upang mamuhay “hari.”

Ganyan po kakapal ng mukha ng mga demonyong ‘yan na nagkukuwang tao!

***

ISA lang naman po ang isyu rito Pangulong Erap, ang pagkuyog ng grupo ni Luga sa aking Kagawad na si Robert at tanod na si Roger dahil sa pagganap nila sa tungkulin nang ikinalat ang mga nakompiskang gamit mula sa vendors ng mga taga-DPS sa Lion’s road, Arroceros  na pangunahing daanan ng aking mga kabarangay.

Subalit, imbes sagutin ang reklamo laban sa kanila, nagsimula na silang mang-harass sa ating barangay at magbaligtad ng mga kuwento.

Please lang po Pangulong Erap, patalsikin n’yo na sina Borromeo at Luga, sila ang humihila sa inyo pababa!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *