Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, ayaw magsalita ukol sa annulment nila ni Pampi

ni   Roldan Castro

AYAW pag-usapan ni Jodi Sta. Maria ang pagkompirma nina Senator Bong Revilla at Cong. Lani Mercado na annulled na ang kasal nito kay Pampi Lacson.

“I will speak about it in time,” tipid niyang sagot nang makatsikahan siya ng press para sa pormal na announcement na ganap na siyang celebrity endorser ng Flawless.

May grace period kasi bago magsalita tungkol dito at ‘wag pangunahan ang korte.

Ang importante maayos ang relasyon nila ngayon ng ex-husband niyang si Pampi at hindi na importante kung sino ang nagpakumbaba sa kanila. At kahit silang dalawa ni Iwa Moto ay plantsado na ang pakikitungo sa isa’t isa.

Perfect endorser ng Alagang Flawless

Anyway, perfect si Jodi na endorser sa Alagang Flawless campaign dahil magaling din siyang mag-alaga sa mga mahal niya sa buhay at sa sarili. Bukod dito, para siyang walang anak dahil sexy at lalong gumanda. Kaya naman, lalong nai-in love sa kanya si Vice Governor Jolo Revilla.Hindi  rin totoo na magpapakasal sila agad ni Jolo ‘pag tuluyang naayos na ang annulment niya. Sinasamantala niya muna ang magandang nangyayari sa career niya.

“Hindi kami nagmamadali sa kung ano. Ini-enjoy na lang namin ang kung anong dumating. Hindi pa talaga ready, especially now na ayokong sayangin ang mga oportunidad na dumating sa akin ngayon, especially sa career ko.Basta open kami ni Jolo sa isa’t isa kung ano ang mga dream at aspiration namin sa buhay. ‘Yung mga kasal-kasal na ‘yan, wala pa muna ‘yun,” deklara niya.

Deadma sa buntis issue

Hindi  rin siya masyadong nagulat noong kumalat na buntis na siya at kinorek din agad ni Jolo kung ano talaga ang kalagayan niya. Hinayaan na lang niya lalo’t  ‘yung mga tao parang naa-associate nila kung ano ang nangyayari sa kanya sa totoong buhay at sa karakter niya sa kanyang serye sa Dos.

“Nakatutuwa naman ‘yung  gesture na ginawa niya dahil kumbaga nalalagyan ng tuldok ‘yung isyu na ‘yun,” aniya pa.

Hindi naman daw siya naapekuhan sa isyu dahil baka na-confused lang daw ‘yung nagsimula ng kuwentong buntis siya sa role niya sa soap. Isa pang rebelasyon kay Jodi, nag-aaral pala ito ng Medical Biology bilang praparasyon sa ambisyon niyang maging doctor. Pansamantalang tumigil siya ngayon dahil sa hectic na schedule.

‘Di kasosyo ang BF sa mga negosyo

Nalula rin kami sa dami ng negosyo ng aktres na pinabulaanan niya na kasosyo si Jolo.

Tungkol naman sa anak niyang si Thirdy, naipapaliwanag daw niya kung ano ang sitwasyon nila at kung bakit may baby sister siya sa ama. Kapag nagtatanong daw ito ay maayos niyang pinaiintindi  ito.

Kahit ang pagtawag kay Jolo  ay ‘tito’ pa rin samantalang ‘daddy’ kay Pampi.

“Siyempre, umpisa pa lang, ano kumbaga kailangang i-draw ‘yung line  kung sino ‘yung tao na papasok sa buhay namin. I don’t want to confuse him kung sino ‘yung other person na pumapasok sa buhay niya . Kumbaga, klaro sa kanya kung sino si Jolo,” sey niya.

Hindi rin niya puwedeng sabihin kung paano tumatayong ama si Jolo kay Thirdy dahil present si Pampi at ayaw niyang magkaroon ng cause na mawala  ‘yung respeto ng bata sa tunay niyang ama.

Oo nga naman!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …