Monday , December 23 2024

Ang Banat ni DepCom Uvero

ISA sa mga bagong customs deputy commissioner na dati daw customs broker na si Attorney Uvero ay nagbulgar sa pagpapatuloy ng senate hearing sa rice smuggling sa senado na last year, aabot daw sa 50,000 metric tons of rice from Vietnam and Thailand ang naipupuslit sa ilalim ng pamumuno ng nagbitiw na si Commissioner Ruffy Biazon bawat linggo, repeat bawat linggo.

Itong pagbubulgar ni Depcom Uvero ay umusok sa kabila ng tsismis na noong panahon ni Biazon, may tatlong matataas na pinuno mula sa intelligence  service, the customs police and enforcement group ang tumatara (meaning receiving grease money from smugglers at  the rate of Pl0 per sack or cavan. Isipin na lang kung gaano karaming bag o sako ng puslit na bigas ang sinaksakan ng ‘tara’ ng nasabing mga dating opisyal mula sa intel, customs police service and enforcement group. Kaya naman pala walang humpay ang pagawa ng ilan sa kanila ng magarang bahay at marangyang lifestyle.

Ang nasabing problem ng nakaraang custloms leadership, ni walang investigation or lifestyle check na isinagawa hanggang magbitiw si Biazon matapos isangkot sa isang sisiw na kaso sa pork barrel scam sa halagang P1.7-million.

Dahil integridad at honor ni Biazon ang inuupakan ni Uvero na dating legal counsel ng association ng customs stakeholders/brokers, karapatan mong sagutin ang mga paratang Mr. Biazon. Huwag kang manahimik.

Sa nasabing senate hearing, tinanong ni Senator Juan Ponce Enrile si Uvero (si JPE ay dating commissioner of customs noong martial law) kung ano ang measure to address the unabated smuggling activity in the bureau, sagot ni Uvero, reform na umuusad naman kahit paaano. Tuon naman ni Enrile, habang binabalangkas pa ang reform na inumpisahan (pag-upo ng mga bagitong opisyal na ikina-appoint ng palasyo sa recommendation ni Secretary Purisima, kanyang ipinayo na ipatupad na lang muna ang customs laws sa pagsugpo ng corruption.

Hindi lang kasi nabanggit sa hearing kung aprub si Senador Enrile at ibang senador sa tinatawag na paggamit ng benchmark system sa mga kargamento, sa halip na umiiral na tariffication act at iba pang mga batas.

Sang-ayon kay Senador Cynthia Villar, isa sa hearing officer ngn committee, may information na ibinigay sa kanila ang agriculture sector na umano ay aabot sa P20-billion ang nawawala sa pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis ng mga ipinasok na bigas. Ito marahil P20-B revenue loss kada taon.

Sa loob din ng dalawang taon ng Aquino government namayagpag si Davidson Bangayan, aka David Tan, na gumamit daw ng mga pekeng consignee firms bilang financier. Isa sa mga report, kay David Tan hinawakan lahat ang mga player na nagpupuslit ng bigas sa customs para hindi mag-leak ang kanilang smuggling activity, kapag daw hindi tumimbre sa aka David Tan malamang matimbog ang kargamento. Centralized sa madaling salita.

Ang info na aabot sa P20-billion kada taon ang nawawala sa B0C revenue ay nakalap ng committee sa senado sa mga industry sector na pinalad mabiyayaan ng volume na mga bigas na inaangkat ng Pinas sa Vietnam and Thailand. Halos wala nang nag-i-export liban sa dalawang bansa.

Kung basta tatahimik na lang si Commissioner Biazon sa banat ni Uvero sa hearing, baka maniwala ang taongg bayan na may mga milagrong naganap  sa dalawang taon ni Biazon bilang commissioner. Hindi magandang exit ito para sa kanya. Una, hindi niya kinaya ang bigat ni Secretary Purisima sa Palasyo na ikinatalo niya at  nagin daan ng kanyang biglaang pagbibitiw.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *