Monday , December 23 2024

‘Yolanda’ victims sa Leyte nag-aalsa na…

NAGSASAGAWA na pala ng kilos-protesta ang mga residente na biktima ng super bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte.

Tinawag nila ang kanilang hakbang na “People Surge.” Nilahukan daw ito ng 12,000 katao at patuloy pang lumalaki ang bilang ng mga lumalahok.

Naghihinagpis na sila dahil sa sobrang pabaya at masyado anilang mabagal ang ginagawang tulong ng gobyerno sa kanila.

Tila napabayaan na raw sila… napakabagal daw ng aksyon ng gobyerno sa kanilang mga pangangailangan.

Napaka-incompetence daw ng Aquino administration.

Kinontra at prinoprotesta rin ng grupo ang “survey” ng SWS na “very good” si P-Noy sa pagtulong sa mga sinalanta ni Yolanda sa Eastern Visayas.

Saan daw kinuha ng SWS ang ganung klaseng survey. Gayung kahit isa raw sa mga taga-Tacloban ay naka-NGANGA ngayon sa paghihintay sa hakbang ng gobyerno para makabangon sa pagkakadapa sa “Storm Surge” ni Yolanda.

Magkano ba ang “very good” na survey, SWS?

Anyway, another wakeup call ito sa P-Noy administration para magsagawa na rin sila ng “action surge” para malusaw ang “people surge” na biktima ng “storm surge” ni Yolanda.

Hiwaga ng ‘di matapos-tapos na tulay sa Calumpit, Bulacan

– Mr. Venancio, nabasa ko po sa diyaryo nyo yun tungkol sa isang hinaing ng 62 yrs old na taga-Bulacan sa kolum na ‘Txt Brigade’ sa usad-pagong na paggawa ng tulay sa Calumpit, Bulacan. Talagang ganyan nga po ang mga taga-gobyerno kung magtrabaho, binabagalan nila ang paggawa ng kanilang mga infrastructure projects may maisip lang na project para pagkakitaan. Kahit buo ang kalsada tinitibag nila. Samantalang maraming dapat na i-prioritize na pagawain sa public works. Katulad nalang po dito sa may McArthur highway na sakop ng bayan ng Bocaue, Bulacan at ng tulay sa bayan ng Balagtas na September pa sinimulan gawin pero isang side palang ng tulay ay hanggang ngayon di pa tapos. Wala naman nakalagay na target date completed ang DPWH na dapat nakalagay dun sa notice nila sa public  at wala rin po nakalagay na kung magkano ang inilaang approved budget ng national government. – 09322751…

Tama ang ating texter. Ang gov’t project bago simulan ay dapat may nakalagay na karatula kung kailan sisimulan, matatapos at kung magkano ang budget.

CCTV ang magpatotoo

sa Vhong Navarro case

– Iba’t ibang bersyon na ang lumalabas na anggulo sa kaso ng aktor/komedyante/singer at TV host na si Vhong Navarro.

Narinig na natin ang side ng kuwento ni Navarro… nadatnan nya na raw sa loob ng condo unit ang grupo ng mga nambugbog at nambaboy sa kanya.

Narinig na rin natin ang depensa at akusasyon nina model/actress Deniece Cornejo at negosyanteng si Cedric Lee. Na nadatnan ng grupo ni Lee si Navarro sa loob ng condo unit ni Deniece na hubo’t hubad at puwersahang pinapatungan si Deniece kaya nila binugbog at ginapos ang aktor.

Siyempre, sa kanilang mga kuwento, hindi nila ididiin ang kanilang sarili na sila ang may sala.

Pero sabi nga sa batas, ang laging pinapanigan ng hustisya ay ang kredibilidad ng nagsasalita at kapani-paniwala na mga salaysay.

Sa panahon ngayon ng electronics, magiging matibay na pagbabatayan ng imbestigasyon ay ang CCTV footage sa condo at log book (kung hindi dodoktorin ng mga sekyu on duty sa main gate ng condo).

Ang titingnan lang dito ay ang oras ng pagpasok sa condo ni Navarro at ng grupo ni Cedric Lee. Kung sino sa kanila ang naunang pumasok sa condo. Nakarekord ito sa CCTV camera.

Dito na magkakaroon ng linaw kung sino sa magkabilang party ang nagsasabi ng totoo. Wha!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *