Saturday , November 23 2024

Erap pinag-iingat kay Jaime Dichaves

ISANG grupo ng mga negosyante na sinabing malapit kay Erap ang nagbabala na dapat niyang iwasan ang isang tao na naging mitsa ng pagkalaglag niya sa kapangyarihan .

Inihayag ito ng nasabing grupo nang kumalat sa isang social networking site na isang babae, umamin na siya ay isang guest relations officer (GRO), na siya umano ay ipinangregalo ng negosyanteng si Jaime Dichaves kay Mayor Erap sa Caesar’s Palace sa Maynila nitong nakaraang linggo.

Ipinagkakalat umano ng nasabing GRO na inutusan siya ni Dichaves na akitin si Mayor Erap.

Sa kwento na ipinagkakalat ng babae sa kanyang Facebook, una umano siyang ipinakilala ni Dichaves kay Erap sa birthday ng kapatid nito.

Pinadalhan siya umano  ni  Dichaves ng pianista para matuto ng mga kanta. Ikinuwento niya na sinabi ni Dichaves na aralin nang maigi ang mga paboritong kanta ni Erap na inaral naman niya.

Matapos umano ang birthday ng kapatid ni Erap, gumawa si Dichaves ng paraan para magkita ulit si Erap at ang GRO.

Pagkatapos ng isang meeting ng mga negosyante sa isang hotel sa Maynila, pinilit umano naman ni Dichaves na dalhin si Erap sa isang karaoke lounge na pinupuntahan lamang ng mga DOM at GRO.

Dito ay nilasing ni Dichaves si Erap at umabot sila ng GRO hanggang alas-kwatro ng umaga.

Sa mga picture umano ni Erap na inilabas ng babae sa Facebook niya, pinagtatawanan nila ni Dichaves si mayor dahil lasing na lasing habang si Dichaves ay paunti-unti lang umiinom.

Hindi naman makatanggi si Erap kay Dichaves dahil sa utang na loob niya rito sa pag-ako na siya si Jose Velarde.

Anang mga negosyante, “Ang ganda na ng pamamalakad ni Erap sa Maynila. Unti-unting nadidisiplina ang mga pulis, lumilinis ang kalsada, nababawasan ang traffic.

“Huwag sana niyang sirain ang kanyang last hurrah sa pakikisama kay Dichaves at sa mga mumurahing mga babae. Nasira na siya ni Dichaves noong siya ay presidente. Matuto naman sana siya.”

Kaugnay nito pinilit ng HATAW na kunin ang panig ni Estrada, ngunit walang kompirmasyon o pag-amin na naganap nga ang sinasabi ng mga negosyante.

(NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *