Monday , December 23 2024

‘Di pag-aanak, desisyon kapwa nina Robin at Mariel

IN his best elements na naman ang action star na si Robin Padilla nang humarap ito sa press para sa pelikulang ihahatid ng RCP Productions nila in cooperation with Star Cinema, ang Sa Ngalan ng Ama, Ng Ina at Ng Mga Anak.

Robin’s excitement comes from the fact na ito ay isang proyektong involved lahat ng members ng Padilla clan.

“Sa isa nga lang sumablay. Kay Auntie BB. Noon pa talaga, nag-uusap-usap na kami sa isang project na pasok ako, siya at si pamangking Daniel. Noon pa talaga kami nagpaplano nito. Gaya ng sabi ko, ang original project sana namin eh, fantasy na may kaugnayan naman sa realidad, ang ‘Tikbalang’. Mga real life heroes din ang gusto namin kasing maibahagi sa ating mga kababayan. Kaya noong mag-location hunting kami sa Mizamis, may nakausap ako roon na nagsabing kung naghahanap ako ng istoryang maganda, may kwento ang isang kababayan nila.

“At makakausap ko pa ang pamilya nito. Kaya, nag-shift kami after na papuntahin ko uli ang director namin doon para mag-observe pa at mag-research na rin. Kasi, may anting-anting daw na hinawakan ‘yung subject namin, na nang mamatay at mailibing, matapos ang ilang taon, natuklasan din na hindi pa naaabo. Ang nakita ko naman sa kuwento nila, ‘yung solidarity ng pagmamahal nila sa pamilya, sa bansa at sa pinaniniwalaan at pinaninindigan nila. Kaya, maaksiyon ang mga eksena. Eh, sa kagustuhan din naming maisama si Auntie BB, na pahahawakin ko rin ng baril at mga riple pa nga, sa dadalhin na niyang katauhan eh, hindi papasok sa katotohanan ng istorya ng pamilya. Kasi, wala talaga. Kaya gagawa na lang kami ng ibang proyekto with him. Isa pa, kaya lagi ring umiinit ang ulo ko, lagi rin siyang nawawala! Alis ng alis! Pasalamat na lang ako kay Kuya Omeng (Rommel), sila ni Mariel (Rodriguez) ang taga-pacify ko.”

Maraming isyu ang nausisa kay Robin during their presscon. Isa na ‘yung tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Mariel.

“Pareho na kaming ayaw muna. Noon kasi, parang ako lang. Ngayon, dahil na rin sa mga ginagawa at hinaharap namin, mas naiintindihan na niya ‘yung punto ko. Gaya ng sabi niya, naranasan ko na ang magkaroon ng mga anak. Eh, kami ni Mariel ngayon, masasabi mong nasa honeymoon stage pa rin. At saka mas madalas ‘yung ‘pag marami akong iniisip at medyo magulo ang takbo ng utak ko, siya na ‘yung magyayaya na umalis muna kami. Kahit dito lang or kung may mahaba-habang time naman, lumalabas kami ng bansa.

“So, anytime ‘yun. Kung may mga anak kami, hindi kami basta makaka-alis. Kaya ko nasabi na alam ko na at naranasan ko na ng maraming beses ‘yung sitwasyon na ‘yun. At saka ngayon, my wife is really enjoying na ako lang ang baby niya. Sobra-sobrang alaga!”

Totoo naman, hindi na lang kasi ang pagba-budget sa bahay at sa buhay nila ang inaasikaso ni Mariel kundi pati lahat ng personal needs ni Binoe lalo na pagdating sa kanyang kalusugan. Nag-shift na sa organic eating and lifestyle ang mag-asawa.

And speaking of mag-asawa, ang pagpapakasal daw nila sa Simbahang Katoliko eh, maaayos pa rin in the future. At si Mariel naman daw ang magdedesisyon sa bagay na ito yaman at hindi nga raw sila napahintulutan ng Batikano years ago.

Magandang follow-up sa namayagpag sa karangalan at sa kita na rin ng  10000 Hours ang Sa Ngalan ng Ama….

At inamin naman ng action star na yes, nakabawi na raw siya sa MMFF (Metro Manila Film Festival) project nila.

Cristine, pinaghahandaan na ang pagpasok sa politika

PAGPUPUGAY nga siguro sa Ate niyang nagnanais na pumasok sa politika noon pero natalo na si Ara Mina ang plano umano ngayon ni Cristine Reyes na abalahin ang sarili sa nasabing larangan.

Nakita at ipinakilala sa amin ni Ogie Diaz ang isang taong nagkaroon din ng malaking papel sa political career ni Senator Bongbong Marcos, na siya ngayong gigiya sa political career ni Cristine.

Sa tingin namin, kung ganito pa lang kaaga eh, ganito na sila kapursigido para rin i-push ang aktres, malayong hindi maging public servant si Cristine at siya ang magtuloy sa ikinabigo ng Ate niyang nagmula sa isang political clan!

Network war sabit sa Vhong issue

NAGBITAW na ng mga pangalang sinasabing sangkot sa nangyari sa kanya ang komedyanteng si Vhong Navarro.

Umano ang pinangalanan niyang babaeng sinadya niya sa condo unit nito sa The Fort eh, apo raw ng GMA-7 boss na si Atty. Felipe Gozon.

May network issues pa rin hanggang dito?

Ang nasabing insidente ang patuloy ngayong trending pa rin sa social media.

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *