Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi, isasama sa Dyesebel (Dahil package deal kay Anne?)

PACKAGE deal ba sina Anne  Curtis at Andi Eigenmann since pareho silang talent ng Viva?

Kaya namin ito naitanong ay dahil kasama na ang Anak ni Zuma sa Dyesebel at ito ang huling napagdesisyonan sa meeting kahapon lang ng ABS-CBN management.

Nagulat kami dahil katatapos lang ni Andi ng serye niyang Anak ni Zuma bilang si Galema tapos heto at may kasunod na kaagad siyang teleserye?

Hindi lang alam ng aming source kung ano ang papel ni Andi pero para sa amin ay imposibleng mabait siya rito dahil hindi naman bagay sa kanya ang maging mabait, ‘di ba ateng Maricris?

Bongga naman ni Andi dahil nakakatawid siya sa iba’t ibang unit, huh, sabagay, sa Dreamscape naman siya nagsimula rati, remember Prinsesa ng Banyera na introducing pa lang siya noon at makapal pa ang buhok niya.

At sinundan ng Agua Bendita na talagang super hit ito kaya naman maski na pasaway siya sa tapings ay talagang binibigyan pa rin siya ng project.

“Misunderstood lang lola mo, alam mo na, pero magaling umarte kasi at love at rater siya ‘day kaya roon mo na lang ibabase” katwiran sa amin ng taga-Dos.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …