Thursday , January 9 2025

Pugante patay sa shootout (3 pa arestado)

AGAD namatay ang takas na bilanggo makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa Road 1, Brgy. Minuyan 2, sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bulacan PNP Director, Senior Supt. Joel Orduna, kinilala ang napatay na si Russel Arceo, 31, residente ng  #561 Villa Angelina Subd., Sto. Domingo 2, Capaz, Tarlac

Habang nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong kalalakihan na nahaharap sa kasong kriminal matapos makompiskahan ng armas at bala, na sina Arjay de Belen, 18, construction worker; Tristan Huit, 30, computer technician, at Jose Paulo Maesa, 23, pawang residente ng Brgy. Minuyan 4, City of SJDM, Bulacan.

Ayon sa nakatalang ulat, dakong 4:30 a.m. nang salakayin ng pulisya ang safehouse ng nasabing pugante.

Ngunit imbes sumuko nang mapayapa ay nakipag-barilan sa mga awtoridad na humantong sa kanyang kamatayan.

Ayon pa sa ulat, si Arceo ay nakatakas noong Agosto 28, 2012, matapos dumalo sa pagdinig ng kanyang kaso sa droga sa RTC, Branch 19 sa Malolos City.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *