NABUKING ang messenger ng isang kompanya ng Manila Police District (MPD) na “holdap me,” nang marekober ang US$6,600 sa dala niyang motorsiklo, sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat kahapon
Kinilala ang suspek na si Ivan John Español, 23-anyos, messenger ng Mariveles Grain Corporation, ng 5755 Tramo Street , San Dionisio, Parañaque City .
Ayon kay P03 Arlando L. Bernardo ng MPD Theft and Robbery Section, nagreport ang suspek sa kanilang tanggapan na siya’y biktima ng robbery hold-up nitong Enero 20, sa Escolta, Sta. Cruz, dakong 4:30 ng hapon .
Sa follow-up investigation ni SP01 Jay F. Donato sa nasabing lugar, nalaman niyang walang nagaganap na robbery hold-up sa lugar, ayon sa mga vendor, kaya nahalata ni SP01 Donato nagsinungaling si Español.
Nang mag-inspeksyon si SP01 Donato sa compartment ng motorsiklo ni Español, may plakang UC–557 Honda Dash, doon nakita ang umano’y naholdap na halaga.
Malaki ang pasalamat ni Leah Ferrer y Nacion, 25, legal consultan ng Mariveles Grain Corporation, ng 2 & 3 B-1, BV Romero Blvd., Harbor Center,Vitas,Tondo sa pagkabawi ng naturang halaga ng salapi.
Ang suspek ay kinasuhan ng qualified theft sa tanggapan ng Manila Prosecutors Office.
(leonard basilio/Jason Buan)