Our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms. Therefore put on the full armor of God, so that when the day of evil comes, you may be able to stand your ground, and after you have done everything, to stand.——Ephesians 6: 12:13
SA pagpapatuloy ng paglalathala natin sa sindikato ng grupo ni Fernando Luga este Lugo, officer in charge ngDepartment of Public Services na ngayon ay tinatawag nang Dept. Public Syndicate (DPS), ay nagsimula na silang manggipit laban sa atin.
Kahapon, may natanggap naman tayong noticemula sa city hall na nais i-pademolis ang ilang kabahayan sa ating Barangay 659-A na tinitirhan ating mga tauhan, kagawad at tanod, na nasa 8 meter radius mula sa riverbanks ng ilog Pasig.
***
IPINADEDEMOLIS umano ito ng grupo ni Luga este Lugo(sa utos umano ni Engr. Che Borromeo?) ang naturang mga kabahayan kahit hindi ito nakapaloob sa 3 meters zone sa riverbanks na siyang direktba ng Korte Suprema ng pagbabawal.
Bukod dito sa ilalim din ng Lina law, hindi maaaring idemolis ang mga kabahayang walang sapat na relokasyon o lugar na paglilipatan ang mga residente.
Harassment lang talaga!
AKSYON NG PANGULONG ERAP
KAYA nanawagan tayo kay Pangulong Erap na aksyunan ang bagay na ito, dahil mga tauhan ng aking barangay ang naagrabyado, pero kami pa ngayon ang ginigipit.
Mula nang padalhan natin ng subpoena ang grupo ni Lugo (na may luxury car umano na Ford Lynx na may plate number WRH-767 at minamaneho ng kanyang hambog na alalay na si Reggie Cruz) dahil sa panggugulpi sa aking Kagawad na si Robert at tanod na si Roger makaraang magreklamo lamang ang isa natin constituentsna nasaktan sa nakahambalang nilang mga bakal sa Lion’s road, Arroceros noong Lunes, Enero 20.
Heto’t sari-sari nang panggigipit ang ginagawa laban sa ating barangay!
***
PANGULONG Erap ang aming Barangay 659-A ay isang peaceful and loving barangay sa Maynila. Mula po nang umupo tayong barangay chairman ay nasugpo natin ang lahat ng uri ng kriminalidad dito.
Ang aking mga Kagawad, sampu ng aking mga tanod ay katuwang ng pulisya laban sa krimen na noo’y talamak sa area ng Lawton, Arroceros, Mehan Garden, Jones bridge, McArthur bridge at Quezon Bridge.
Mahigpit din ang aking tagubilin na huwag mangongotong!
***
KAYA masakit isipin na kami nasa barangay na katulong ninyo sa inyong mga mithiin sa Maynila ay winawalanghiya ng mga opisyal na itinalaga ninyo sa DPS.
Mga barumbado, armado at abusado tauhan mula sa DPS District III area na pinamumunuan ni Lugo kasama ang kanyang mga tauhan na sina Reggie, isang alyas Boy Gaviola, Ryan, Anchet Alday, Marko Shariff na sinasabing collector ni Lugo.
Sila ang mga batik sa inyong magagandang hangarin Pangulong Erap!
ESKANDALOSONG
BLIND ITEM
SINO itong natalong konsehal sa Maynila ang palaging nakikita pumapasok sa U.N Gardens condominiumtuwing hatinggabi.
Napansin ito ng ilang residente at nag-iisip sila kung bakit hatinggabi na kung dumalaw ang natalong konsehal dito.
***
HULI na nang malaman ng mga taga-U.N Garden na dinadalaw pala nito ang kanyang “kerida” sa naturang lugar.
Akala noong una, pamilya niya ang kanyang itinira sa U.N Gardens, ‘yun pala isang “kerida” na umano’y empleado pa ng Manila City hall.
***
NGAYON ay isa nang open secret ang pagkakaroon ngkulasisi ng natalong Konsehal dahil palagiang pagdalaw nito sa U.N Gardens mula nang mabigo manalo muli bilang Konsehal nitong May 2013 election.
Nalaman natin matagal nang kinukutuban ang legal wife ng natalong konsehal na may babae ang kanyang mister, pero hindi niya alam na miyembro pala ng “Bahay Kalinga” ang kanyang asawa.
***
MASAKIT nga naman sa isang legal wife ang mambabae ang kanyang mister, pero higit na mas masakit kung ibahay pa nito ang kanyang babae.
Kumbaga ibang usapan na kapag ganyan. Kapag pumutok ang eskandalo, tiyak ikahihiya ito ng kanyang anak na isang opisyal pa man din ng Maynila.
Kung sino ito kayo na ang bahala humula! Di ba, Tse?!
TEXT REACTION VS DPS
Barumbado po tlga ‘yan c Lugo et al, madami pinahi2rapan vendors, kpag wala kng ‘lagay’ sa kanila kukumpiskahin mga paninda mo gnyan po kagulo s blumentrit ngayon, pakitago po numero ko.
Magandang araw po, nabasa ko po sa dyaryo ang reklamo nyo sa dps, katunyan ganun din po gnagawa nya samin d2 sa blumentrit, ang masakit po samin mismo brgy opisyal din ang nanghi2nge samn mga vendors—094985834+++
Dapat tlga chariman na maparusahan ang mga gumulpi sa inyong kagwad at tnod, paglapastangan ito sa ating mga brangay officials!—number withheld
Armado ang mga taga DPS, bakit saan giyera ba cla sa2bak? Dpat pla sa mga ‘yan ipadala sa Mindanao, tingnan ntn tapang nila lalo na si Luga ah Lugo pla!—093288484+++
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos