TACLOBAN CITY – Mainit na sinalubong ng mga survivor ng bagyong Yolanda sa Tacloban City at lalawigan ng Leyte ang hari ng Sweden na si King Carl XVI.
Dakong 9 a.m. kahapon nang dumating sa Tacloban City airport ang hari ng Sweden na sinamahan ni Vice Pres. Jejomar Binay.
Kabilang sa mga sumalubong kay King Carl XVI ay si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, Leyte Gov. Dominic Petilla kasama ng mga lokal na opisyal na naapektuhan ng bagyo.
Tinungo ng hari ang San Jose National High School sa Tacloban at Leyte National High School na nananatili pa rin ang ilang evacuees na sinalanta ng nagdaang kalamidad.
(HNT)