Thursday , November 14 2024

RoS pinapaboran vs Petron

BAHAGYANG pinapaboran ang Rain or Shine kotnra Petron Blaze sa Game One ng best-of-seven semifinals series ng  PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito’y bunga ng pangyayaring tinalo ng Elasto Painters ang Boosters  sa kanilang tanging pagkikita sa elimination round noong Disyembre 21.

Doon napatid ang seven-game winning streak ng Petron at nagsimula naman ang eight-game winning streak ng Rain Or Shine na siyang pinakamahaba sa kasaysayan ng prangkisa.

Nagtabla ang Elasto Painters at Barangay Ginebra sa pagtatapos ng  14-game elims sa record na 11-3 subalit  napunta sa No.  2 ang Rain Or Shine bunga ng winner-over-the-other rule.

Nakaharap  ng Elasto Painters sa quarterfials ang Globalport na dagli nitong tinalo, 106-96 noong Miyerkoles kahit pa hindi nakapaglaro si Jeff Chan na nagtamo ng impeksyon sa lalamunan.

Si Chan ay magbabalik mamaya at makakatulong nina Gabe Norwood, Beau Belga, Paul Lee at Ryan Arana.

“We’re not the most talented nor the tallest but  we are able to stay cosistent just by following our system, our philosophy. It’s a little unorthodox but it works,” ani Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.

Malaki rin ang tiwala ni Guiao sa tatlo niyang rookies na sina Raymond Almazan, Alex Nuyles at Jeric Teng.

Winakasan naman ng Petron Blaze ang elims sa ikatlong puwesto sa kartang 10-4  at nakalaban ang seventh seed Barako Bull sa best-of-three quarterfinals series.

Winalis ng Boosters ang Energy matapos na magwagi sa Game One (101-88) at Game Two (107-100).

Ang pagsadsad ng Petron sa elims ay nangyari matapos na magtamo ng knee injury ang sentrong si June Mar Fajardo na hindi nakapaglaro laban sa Rain or Shine

Sa pagbabalik ni Fajardo ay mahihirapan ang Rain or Shine na makakuha ng maraming puntos sa shaded area.

Si Fajardo ay susuportahan nina reigning Most Valuable Player Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz at Marcio Lassiter.

Ang Elasto Painters at Boosters ay kapwa sumegunda sa magkahiwalay na conferences noong nakaraang season. Ang Rainor Shine ay winalis ng Talk N Text sa Philippine Cup Finals. natalo naman ang Petron sa San Mig Coffee, 4-3 sa seryeng pangkampeonato ng Governors Cup.

ni SABRINA PASCUA

About hataw tabloid

Check Also

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *