Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reyes haharap sa PBA board tungkol sa Gilas

DADAYO si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sa pulong ng PBA Board of Governors sa Huwebes, Enero 30, upang pag-usapan ang kanyang programa para sa national team na sasabak sa FIBA World Cup ngayong taong ito.

Inaasahang hihingi si Reyes ng isa hanggang dalawang manlalaro para palakasin ang Gilas kasama ang mga nauna niyang manlalaro tulad nina LA Tenorio, Japeth Aguilar, Marcus Douthit, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel de Ocampo, Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Beau Belga, Marc Pingris, Junmar Fajardo at Jason Castro.

Pinaplano rin ng PBA na ayusin ang  iskedyul ng ensayo ng Gilas habang tuloy pa rin ang third conference ng liga  mula Hunyo 1 hanggang Agosto 13.

Sa ngayon, tuwing Lunes muna ang ensayo ng Gilas simula sa Pebrero kapag nakabalik na si Reyes mula sa Espanya kung saan gagawin ang loterya para sa mga grupo sa World Cup.

Bukod sa Gilas, tatalakayin din ni Reyes bilang pinuno ng Sports5 ang pagbabago sa pagpapalabas ng mga laro ng PBA sa TV5.

Sinabi ni Reyes na malaki ang posibilidad na lahat ng mga laro ng PBA ay mapapanood na sa primetime ng TV5 simula sa Commissioner’s Cup dahil nakatakdang baguhin ang programming ng nasabing istasyon.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …