GRABE naman itong paninira sa grupo ni Intelligence Group Deputy Commissioner Jessie Dellosa at Enforcement Group Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno kaya maraming disinformation campaign sa bawat isa sa kanila.
Maganda naman ang ginagawa ni Gen. Dellosa dahil pinaninindigan niya ang No Take Policy.
Ako’y naniniwala diyan at talagang malaki ang ginawa rin niya na pagbabago sa AFP noong siya ay chief of Staff.
Kaya siguro maraming nasasagasaan na mga smuggler kaya natatakot sila.
Si EG Depcom Ariel Nepomuceno naman ay sinisiraan din ng mga ibang grupo pero siya ay seryoso na sundin ang mandato na iniatang sa kanya ni Pnoy.
Malaking pamilya ang mga Nepomuceno at siya ay isang matagumpay na negosyante at dating Military men at Assistant Defense Secretary at malayo pa ang mararating nito.
Siya’ y nalulungkot lang dahil minsan sobra ang siraan sa BOC kaya maraming naninira sa kanila dahil sa kanilang magandang performance sa kanyang Anti smuggling.
Kaya matagumpay din itong magaling na si Gen. Alejandro Estomo Director ng CIIS dahil minamanmanan niya ang lahat ng galaw ng smuggler. Mabait itong taong ito pero may kalalagyan ka kung kayo ay nagkamali.
Ayon sa kanya sakripisyo lang talaga ito at may Political will sila na lansagin ang smuggling sa ating bansa at yun ay hindi naman makakaila dahil sunod-sunod din ang mga huli nila.
Ganundin si Commissioner Sunny Sevilla na talagang puspusan na pinag-a-additional ang mga nagbayad ng mababa ang pinagbayarang buwis.
Marami kasing nasasaktan dahil siyempre naghihigpit sila para sa bayan at gusto nila maiayos na rin ang reporma sa Bureau of customs.
Sa nakikita ko ngayon ay talagang pursigido si Gen. Dellosa na patigilin ang smuggling sa bansa ganundin si dating Asst. Defense Secretary Ariel Nepomuceno.
Masasabi ko lang na tayo ay patas sa pamamahayag at kung may sumbong tayong natatanggap ay inaaksiyunan natin kaya kung minsan tayo ay kanilang namimis-interpret.
Minsan sa sobrang kahigpitan ni Gen. Dellosa sa kanyang Anti Smuggling Campaign nadadamay sa disinformation campaign si Capt. Jovelyn Cabading yun pala ay mabait ito at gumagawa na tama para sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang sundalo.
Nakakatuwa itong military men dito dahil nagiging matagumpay sila at masasabi natin itong blood compact na supilin ang smuggling sa ating bansa sa pangunguna ni Depcom Dellosa, Depcom Nepomuceno, Gen. Tolentino, Gen. Dela Cruz, Gen. Mendoza, Gen. Estomo at lahat ng mga heneral, Kapitan, Colonel at mga major.
Congratulations pala rin sa mga nasabat ni Gen. Dellosa na bigas at ganundin si Depcom Nepomuceno.
Hindi nagkamali si Pangulong Noynoy sa pagkakatalaga sa kanila lalong-lalong na kay Depcom Ariel Nepomuceno, kaya sa mga naninira sa kanila ay nagkakamali kayo dahil nakikita naman natin na marami ng umaangal at umiiyak, ang ibig sabihin ay gutom na sila dahil sa sobrang higpit na pinapatupad nila sa Bureau of customs na pati kaming mga mamahayag ay nadadamay na rin pero kami whatever happens ay media pa rin kami at nakikipag tulungan sa Administrasyong ito sa tamang pamamaraan, kung may nasasaktan man ang dyaryong ito, reporter man o kolumnista ko ay trabaho lamang po ang pinapatupad namin.
Sa muli po congratulations sa inyong lahat Military men is successful in BOC.
Jimmy Salgado