Monday , December 23 2024

Madison Garden Hotel sa Mandaluyong City may casino na may pokpokan pa?!

00 Bulabugin JSY
ISANG grupo ng mga residente sa Mandaluyong City ang nagpaabot ng reklamo sa inyong lingkod tungkol sa isang hotel d’yan sa Madison street na sinabing nakapag-o-operate ngayon ng SLOT MACHINES.

Kung inyo pong maaalala, sa SLOT MACHINE na ‘yan sa Madison Square Garden Hotel napiktyuran si dating Land Transportation Office (LTO) chief Virgie Torres na enjoy na enjoy habang naglalaro.

Ayon sa mga nagrereklamong residente, sa mga susunod na araw umano ay ilalatag na rin d’yan ang table games …

Ang una raw usapan diyan ay slot machines lang ang ilalatag.

Kaya nga nagtatanong sila … paanong nakalusot kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ang TABLE GAMES sa Madison?

Inaprubahan ba niyang mag-isa ‘yan nang walang pagsasaalang-alang sa KONSEHO?!

O ‘yung KONSEHO ang nag-apruba nang walang pagsasaalang-alang kay Mayor Benhur?!

Hindi lang slot machines at table games, inirereklamo rin ng grupo ang nagaganap na pinaniniwalaang ‘pokpokan’ sa nasabing garden hotel.

Mayroon umanong establisyemento sa nasabing garden hotel na mayroong lugar na pwedeng pagdausan ng pokpokan na kunwari ay masahe lang.

Dahil umano d’yan kaya siguro nagiging paboritong tambayan ng malalaking politiko at government officials ang garden hotel.

Idinagdag ng mga nagrereklamo na ang nasabing hotel ay malapit na malapit lamang sa Villa San Miguel, ang tahanan ng Cardinal ng Simbahang Katoliko.

Mayor Benhur Abalos, mukhang mayroon kang dapat ipaliwanag sa publiko.

Ano na talaga ang nangyayari sa Mandaluyong at pumapayag na kayong magkaroon ng mga ganyang establisyemento sa lungsod ninyo?

Pakisagot lang po!

PASAY CITY CHIEF PROSECUTOR ELMER MITRA HINDI PA UMANO NASISIBAK

SAYANG ‘este’ mabuti naman at hindi pa raw pala nasisibak si Pasay City chief prosecutor Elmer Mitra.

Marami pa raw kasing dapat tapusin … ibig bang sabihin ‘e maraming backlog?!

Huwag nang magtaka sa maraming backlog, ganyan daw talaga sa Pasay … makupad ang andar ng dokumento lalo na kung walang ‘padulas?’

Kaya kung may asunto kayo sa Pasay City, kung sino ang maraming ‘GRASA’  ay t’yak ‘yun daw ang mauuna!?

‘Yung walang ‘pampadulas,’ tiyak aabutin na raw ng siyam-siyam.

Anyway, palagay natin e hindi pa dapat matuwa si chief fiscal Mitra …

Mahigpit daw kasi ang kampanya ngayon ng Department of Justice (DoJ) na ‘linisin’ ang hudikatura at hubdan ng maskara ang mga ‘HOODLUM’ sa piskalya.

Lalo na ‘yung mga fixcal ‘este’ fiscal na adik sa Casino!

Suportahan ‘ta ka d’yan, Madam Leila De Lima … sana lang po ay BILISAN ninyo!

REY ARQUIZA WRITES 30

KAHAPON, nalungkot tayo sa text message na natanggap natin …

Pumanaw na si Tata REY ARQUIZA dakong 9:20 ng umaga.

Si Tata Rey Arquiza ay beteranong mamamahayag at NPC Lifetime member na ilang dekadang nag-cover sa mga ahensiya ng pamahalaan sa Waterfront lalo na sa Airport.

Hindi matatawaran ang iniambag ni Tata Rey sa industriya ng pamamahayag bilang senior reporter ng Philippine Star at kolumnista  ng Customs Chronicle.

Masasabi nating ang pagpanaw ni Tata Rey ay kalungkutan sa industriya.

Ang kanyang labi ay dadalhin sa Parañaque Bible Christian Church sa 28 Barcelona St., Merville Park, Parañaque City para sa ilang araw na paglalamay.

Ang paghahatid sa kanyang himlayan ay ipababatid sa mga susunod na araw.

Rest in peace Tata Rey…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *