Wednesday , November 13 2024

Erya na talamak ang droga, papanagutin ang pulis sa AOR

SOBRANG talamak na ang droga sa bansa, partikular sa Metro Manila, karatig lungsod at probinsiya.

Dito lamang sa Maynila, na mayroong 897 barangays, palagay ko ay 95% may droga, laluna sa squatter’s area at maraming moros na nakatira.

Few days ago, ipinahayag ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na maglulunsad siya ng “all-out-war” lanban sa mga tulak at adik. Susugpuin nya raw ang droga sa lungsod. Puede!

Oo, kayang kaya sugpuin ang droga sa isang lungsod… kung gugustuhin?

Ang Maynila ay mayroong anim na distrito na binabantayan ng 11 police stations at napakaraming police community precincts (PCP).

Kapag nagkaroon ng magandang ugnayan o koordinasyon ang barangay officials at opisyales ng pulis ng bawat police station at PCPs tiyak masusugpo ang droga.

Yes! Siguradong sigurado ako na kilala ng mga opisyalesd ng barangay laluna ng tserman kung sinu-sino ang gumagamit at nagtutulak ng droga sa kanilang lugar.

Sigurado rin ako na kilala ng mga pulis ng PCP ang mga police character sa kanilang erya.

Kaya kung seryoso si Mayor Erap sa kanyang ipinahayag na all-out-war, ang pukpukin nya lamang dito ay ang mga opisyales ng barangay, opisyales ng PCPs at kumander ng bawat Police Station ng Manila Police District (MPD). Papanagutin ang mga naturang opisyales kapag natuklasang talamak ang droga sa kanilang area of responsibility (AOR).

Let’s do it, Mayor Erap, MPD Chief Isagani Ganabe and barangay officials…

Gawing drug-free ang Maynila! Go!!!

COMPAC sa Marilao, Bulacan

gamit sa pamemera

– Joey, dito po sa Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan, hindi po ginagamit ng maayos ang tinayong COMPAC headquarters. Ginagamit lang nila sa pagkakaperahan. Puros lang sila panghihingi ng lagay sa mga nagrereklamo. Sana sundalo nalang ang ilagay dito o kaya tanggalin na ito, kasi imbes makatulong ay lalo nagkakagulo dito. Wag nyo nalang ilagay ang numero ko para sa seguridad po. – Concerned citizen

Sugal na ‘Hulog jolen’

nagkalat sa Divisoria

– Mr. Venancio, paki-kalampag yung mga pulis dito sa paligid ng Divisoria. Nagkalat po yung pasugalan dito na “hulog jolen” na may kulay. Maraming tindero tuloy ang hindi nakababayad ng kalakal kasi nauubos sa katataya. Don’t publish my number. Tindero po ako dito sa Divisoria. – Concerned vendor

Bakit di agad bitayin

ang mga nahuhuli sa droga?

– Mr. Venancio, ask ko lang po. Bakit sa kabila ng araw-araw may nahuhuling mga dayuhan na may dalang shabu at di pa biro ang halaga tulad ng nakalagay sa front page ng Police Files P1.3-Bilyon ang halaga ng shabu, bakit hindi po agad bitayin? May ebidensya naman na sila mismo may dala. Bakit po sobrang luwag ng batas dito sa atin? Sa ibang bansa kapag nahuli ang mga Pinoy na may dalang shabu kahit kapiranggot, bitay agad ang hatol? Bakit silang nahuhuli dito sa tin wala lang. Wala pa po ako nabalitaang  dayuhan na nabitay dahil nahulihan ng shabu. Siguro ang laki ng lagay kaya walang nabibitay?  Puwede kaya, Sir Joey, yung humuli ang bitayin? Kaya po dumarami ang mga adik dito kasi maluwag ang batas sa atin. Wag nyo nalang po ilabas ang numero ko. Salamat. Saludo me sayo. -Concerned citizen

Maraming batas sa atin laban sa droga. Ang problema’y nabubungi ang batas na ito kapag natapalan ng milyones ng drug lords. Kaya nga ang kailangan dito ay “vigilantes” para hindi na pag-aksayahan ng panahon sa korte ang mga demonyong drug pushers/couriers/lords na yan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Tessie Tomas

Tessie Tomas sinita batang aktor na laging hawak ang gadget sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales MADALAS na tanong namin sa mga beterano o senior stars ay …

Zanjoe Marudo Ria Atayde How to Get Away from my Toxic Family

Zanjoe iginiit ‘di itinatago ang anak nila ni Ria — Masyado pang bata

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS ng dalawang taong hindi gumagawa ng pelikula, muling mapapanod …

Dominic Roque Sue Ramirez

Ogie Diaz kinompirma Dominic nanliligaw kay Sue

MA at PAni Rommel Placente KINOMPIRMA ni Ogie Diaz sa kanilang online show na Showbiz Update na nanliligaw ngayon …

Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *