Wednesday , November 13 2024

Erap, kilala mo ba si Bambi Purisima, ‘bata’ raw ni Diego?

TUNGHAYAN po natin ang isang padalang liham mula sa isa nating mambabasa tungkol sa isang Bambi Purisima na umano ay nagpapakilalang opisyal ng Manila City Hall:

“Sir:

Speaking of Erap appointments na lumabas sa column ninyo, nais po namin ipagbigay alam sa inyo upang maiparating kay Mayor Erap na mismo sa tanggapan niya (Mayor’s Office), naglipana ang mga hindi qualified na appointees na hindi naman nakakatulong, bagkos dagdag gastos pa sa kaban ng bayan dahil regular ang sahod.

Sa mismong Media Bureau, ‘andyan si Bambi Purisima na con(sulsul)tant daw!  Panay ang papel sa Mayor’s Office pero hindi siya kilala halos ni Mayor kasi hindi siya nakakapasok sa tanggapan nito pero pag nagpatawag ng media, panay ang pasada niya at panay ang utos sa mga regular na empleyado ng Mayor’s Office at ng Media Bureau. Lagi siyang nag na-name drop na si mayor ang nag-uutos pero ang totoo hindi siya kilala ni Mayor. Medyo malabo ang status of employment nito sa City Hall.

Pero balita ng marami, Consultant daw kasi, ine-entertain naman siya sa Mayor’s Office ng ibang empleyado, lalo na ng Head ng Media Bureau na si Mr. Diego Cagahastian. Inuutusan pa nga siya madalas na tumawag ng media ‘pag nagpatawag si Mayor ng presscon.  Balita din na rumaraket sa Bureau of Customs pero med-yo nag-lie-low siya kamakailan dahil sa pagpapalit ng liderato ng Bureau.

Bago nakapasok itong si Bambi Purisima sa circle ng mga officers ng City Hall, lalo na sa Media Bureau, nagpasikat sa pamamagitan ng pag-present ng ilang issues ng kanyang dyaryo. Nagpakilala siya na publisher siya ng ‘Manila Sun’.  Naka 2 labas siya ng naturang dyaryo pero nang  kalaunan, parang  araw itong tulu-yang lumubog  dahil basta na lang nawala.  Wala na kasi siyang pondo at may utang pa siya sa dating publisher niya. Hindi na rin nasundan ito siguro marahil dahil na rin nakapasok na siya sa circle ng grupo nina Diego Cagahastian na tila ito ang requirement noon upang matanggap siya.

Balita rin sa City Hall na bago nakapasok dito ay may ginawang kalokohan kay Mr. Mon Tulfo.  Nagpangggap umanong tauhan ni Mr. Tulfo at kumolekta pa sa Manila City Hall Detachment ng pera gamit ang pangalan ni Mr. Tulfo.  Nakarating umano ito kay Mr. Tulfo at  winarningan umano kaya naman ilang na ilang ‘pag pinag-uusapan si Mr. Mon Tulfo.

Lahat nang ito ay ipinaalam na kay Diego Cagahastian ng ilang mga taong nakakikilala kay Mr. Purisima pero hindi ito pinakinggan ni Mr. Cagahastian.  Bagkos, ginawa niyang aso-asohan at hinayaan na  laging bumuntot sa kanya.  Marahil ginamit pa para sa sarili din niyang inte-res at  may pakinabang siya rito kung kaya’t laging nasa tabi niya.

Ayon sa Admin/Personnel ng City Hall, itina-laga si Mr. Cagahastian sa mataas na pwesto bilang Department Head nang wala namang Supervisory experience at ni isang unit sa kahit anong masteral course na requirement sa po-sisyon ng Department Head ay wala.  Batid ng marami na showbiz reporter at scriptwriter lamang. Marami pong qualified sa loob ng City Hall pero komo ang tingin nila tauhan ni dating Mayor Lim, threat sa kanila at binilog  nila ang ulo ni Erap, kung kaya’t ang mga kaparis nila ang itinalaga.  Kaya ayun, ni hindi marunong magpatakbo ng opisina. Hindi marunong magdala ng mga tao.

Sabi po ng marami, talaga pong walang professionalism sa mga tanggapan sa LGUs kasi nga puro political appointees. Basta malakas sa Mayor at Vice-Mayor, sold na. Pero pinakagrabe na ‘ata itong sa Maynila ngayon.  Hindi ito alam ni Mayor kasi sila mismo ang humaharang para ipa-batid kay Mayor ang mga katiwaliang  nangyayari sa paligid.  Nakikinig po si Mayor sa mga puna at ilang balikos sa mga tauhan niya sa City Hall.

Magandang halimbawa nga po ay ang nangyari sa grupo nila Kag. Dennis Alcoriza. Inaraw-araw sila sa dyaryo kaya’t matapos paimbestigahan, may nakitang dahilan upang palitan ang Task Force Divisoria.

Kaya po sana sa pamamgitan ng column ninyo ay makarating kay Mayor ang bagay na ito.

Umaasa po kami sa inyo at maraming Salamat po!”

Sa mga susunod na nating kolum tatanggalan ng maskara ang ‘bata-bata’ ni Cagahastian na si Purisima at ang kanyang “modus” para magkapera.

Abangan!

COUNCIL RESOLUTION IN AID OF EXTORTION?

IPINATIGIL ng isang resolusyon sa panahon ng administrasyon ni Mayor Alfredo Lim ang Torre de Manila project dahil nakakasagabal daw sa view ng Rizal Monument sa Luneta, na itinambol ng online campaign ni tourist guide Carlos Celdran.

Pero ngayong Manila Tourism Consultant na si Celdran, kasali na siya sa “roundtable discussion” sa mga opisyal ng developer ng Torre de Manila na DM Consunji Inc. (DMCI) at pumayag nang ilarga na ulit ang proyekto.

Kung ano ang formula ng naglalakihang developer para “patahimikin” ang mga pagtutol sa kanilang mga proyekto, tiyak na alam ito ng may-ari ng Eton Bay Park, na kahit nasa gilid ng view ng Rizal Monument ay umubrang maitayo.

Batid din kaya ito ni Celdran, na may isang condo unit daw sa Eton Bay Park?

Kaya’t hindi na tayo magugulat kung dahil sa isang resolusyon ay magkaroon ng “property” sa Torre de Manila ang mga opisyal ng Maynila.

***

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa aming e-mail address: [email protected])

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Francine Diaz Malou de Guzman

Lola ni Francine nangangagat ‘pag naglalambing

RATED Rni Rommel Gonzales ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay. Tulad …

Tessie Tomas

Tessie Tomas sinita batang aktor na laging hawak ang gadget sa taping

RATED Rni Rommel Gonzales MADALAS na tanong namin sa mga beterano o senior stars ay …

Zanjoe Marudo Ria Atayde How to Get Away from my Toxic Family

Zanjoe iginiit ‘di itinatago ang anak nila ni Ria — Masyado pang bata

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS ng dalawang taong hindi gumagawa ng pelikula, muling mapapanod …

Dominic Roque Sue Ramirez

Ogie Diaz kinompirma Dominic nanliligaw kay Sue

MA at PAni Rommel Placente KINOMPIRMA ni Ogie Diaz sa kanilang online show na Showbiz Update na nanliligaw ngayon …

Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *