Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ducut sisibakin!

Mukhang si Energy Regulatory Commission (ERC) chairman Zenaida Ducut na ang next target ng Malakanyang na sipain.

Dito na kasi patungo ang kilos ng mga bataan ni PNoy lalo’t ang complainant ni Ducut na grupong Akbayan ay kilalang tuta ng Palasyo.

Maging ang paghahain ng complaint ng Akbayan kay Ducut sa Office of the President ay lubhang nakapaghihinala dahil pwede naman nilang ihain ang reklamo sa dating kongresista ng Pampanga sa Office of the Ombudsman kaysa sa opis ni PNoy.

Sa salitang kalye, all system go ang operation laban kay Ducut, isa sa mga taong naiwan ni Ate Glo, kaya’t malinaw na ang gusto nilang mangyari ay ma- short cut ang proseso.

May statement pa nga si Communication Sec. Sonny Coloma na may option pa raw si Ducut at ito nga ay ang pagbibitiw sa pwesto.

Malinaw sa ikinikilos at ikinukumpas ng Palasyo na ayaw nila kay Ducut kaya’t sa halip na kastiguhin din nila ang kanilang mga bataan kagaya ni Energy Sec. Jericho Petilla dahil sa pagtataas ng singil ng kuryente ay pinuno ng ERC ang kanilang tinarget.

Halatang-halata naman kasi ang kilos ng Malakanyang sa isyu ni Ducut at iyan ay ang makontrol ang buong ahensiya na may kinalaman  sa enerhiya kaya’t dito dapat maging mapagmasid ang publiko.

Doble bantay ang dapat gawin dito ng tao dahil kapag nangyari sa atin ang scenariong gusto ng Palasyo ay tiyak na magigisa tayo ng buong-buo ng mga ganid na negosyante sa bansa na may kontrol sa power industry.

Naka-drawing na ang lahat ng hakbang ng Palasyo at iyan ang ating abangan dahil malinaw naman sa pagbubulgar ni Senador Bong Revilla, na “what PNoy want’s, PNoy gets.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …