NAGPADALA ng karagdagang diplomat ang Philippine Embassy sa Sabah, Malaysia dahil sa report na pag-aresto sa mga Filipino na kabilang sa illegal migrants, kaugnay sa ipinatutupad na crackdown ng nasabing bansa.
Ayon kay Consul Gen. Medardo Macaraig, wala pa ring opisyal na report na naipadala ang Malaysian authorities kaugnay sa bilang ng mga nahuling Filipino workers na walang kaukulang dokumento.
Layunin ng karagdagang team sa Sabah ay upang imbestigahan ang report na pagmamaltrato sa ilang nahuling Filipino workers.
Napag-alaman, noong Enero 21 pa sinimulan ng bansang Malaysia ang nasabing operasyon.
Sa kasalukuyan, tanging Resty Rosales na isang architect, ang naiulat na minaltrato sa arrest operation na nangyari sa isang raid dahil bigong magpakita ng dokumento kaugnay sa kanyang regular status bagama’t kompleto ng working documents sa Malaysia. (HNT)