Monday , December 23 2024

Dep’t of Public Syndicate a.k.a. DPS!

Whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable—if anything is excellent or praiseworthy—think about such things.—Philippians 4:8

DUMARAMI ang nagpapaabot ng mensahe at impormasyon sa inyong abang Lingkod laban kayFernando Luga este Lugo pala ang officer in charge ngDepartment of Public Services (DPS) – District III at sa kanyang mga abusado at barumbadong tauhan sa ahensya.

Kung ilalabas natin lahat ay baka mapuno ang buong pahina ng Hataw ni bossing Jerry Yap at wala nang paglagyan ng balita si ate Glo!

***

HETO po para sa kaalaman ng Pangulong Erap, narito ang mga abusado at barumbadong tauhan sa DPS na ipinagbigay alam sa atin ng mga nagmamalasakit na mamamayan ng Maynila.

Bukod kasi kay Lugo na armado ng baril na nagmamayabang na  inisyuhan siya ng baril umano ng Pangulong Erap, isa pa alyas Regie Cruz na driver ni Lugo at nagsisilbing alalay sa kanyang mga  raket na “clearing operation kuno” sa District III.

Gaya ng kanyang amo si Luga este Lugo pala, may bitbit din itong .45 baril!

***

GANOON din ang isang si Boy Gaviola, alyas laki mata, may minamaneho namang kotseng Toyota na may red plate # PSR-664 at umaastang government officials.Foreman ang item ng kumag na ito sa DPS pero nagsisilbi alalay ni Lugo dahil sa natatangap na intelihensya.

Napakayabang ng taong ito, pero talagang masisindak ka sa pagmumukha niya dahil sa laki ng mata.

At para pang buteteng laot sa laki ng tiyan!

***

ARMADO rin ang iba pang mga tauhan ni Lugo na sina alyas Ryan, Anchet at Alday kapag lumalakad dahil na rin siguro sa dami ng mga inagrabyado at atraso sa mamamayan lalo na sa kawawang vendors na inapi nila.

Isang Marko Shariff na pangunahing “collector” ni Luga na hambog din kumilos ay pala-ging may bitbit na baril sa baywang. Bansag nga sa kanya ay Pulis-Makati!

Pulis-Makatingin lang pala!

***

GANITO po Pangulong Erap magsikilos ang mga taga-DPS District III na pinamamahalaan ni Lugo.

Hindi isang ahensya ng gob-yerno ang pinatatakbo ng DPS, kundi isang malaking sindikato! Kaya hindi na ito ang Department of Public Services (DPS).

Kundi, Department of Public Syndicates!

“CLEARING

OPERATION KUNO”

HETO naman ang kanilang raket sa nasasakupan nilang Distrito III. Lalo na sa mataong lugar ng palengke ng Blumentritt area.

Sa nasasakupan ni Chairman Peter Bautista, kinasapakat mismo ang opisyal at inatasan ni Lugo na mangolekta ng “tong” para sa DPS, habang sa kabilang barangay ni Chairman Melvin Manalo ay direkta ng kinukuhanan na ng “lagay” ng grupo ni Luga este Lugo!

***

SIMPLE lamang ang mga raket ni Lugo, akala mo ay matino, matapang at disenteng tao, ‘yun pala ay animal, duwag at abusadong opisyal ng DPS.

Hindi na tayo magtataka kung sino ang nagrekomenda sa taong ito na mailagay sa DPS at gawin pang officer in charge sa Distrito III, walang iba kundi ang kanyang amo na si Engr. Che Borromeo.

Kaya ang lagi natin tanong: totoo ba na bagman ni Che si Luga?

DINUNGISAN ANG PANGALAN

NG TAGA-PARAGUAY

SA totoo lang mga Kabarangay, marangal ang pangalanFernando Lugo. Sa bansang Paraguay ang pangalan Fernando Lugo ay nakaukit sa kasaysayan, ito ang dating Pangulo ng Paraguay na pinatalsik ng impeachment court na kanyang inilarawan bilang isang “congressional coup.”

Si Lugo ng Paraguay ay isang dating pari na nahalal bilang Pangulo mula noong August 15, 2008 hanggang June 22, 2012. Siya ang kauna-unahang nahalal na Pangulo mula sa oposisyon matapos ang 61 taon pinamahalaan ng administrasyon.

***

BINANSAGAN ng mamamayan bilang “Bishop of the Poor,” nang maging Pangulo ng Paraguay, hindi niya tinanggap ang kanyang suweldo at hiniling sa kanyang kapwa opisyal na gawin din ito.

Matapos mapatalsik, tumakbo naman bilang Senate President si Lugo at nagwagi noong 2013.

***

MARANGAL at respetado ang pangalan Fernando Lugo sa Paraguay, samantalang ang kapangalan nito sa Pilipinas ay isinusuka sa Maynila. Ang taga-Paraguay ay minahal nang husto ng madla habang ang Fernando Lugo ng DPS-Manila, ay kinamumuhian!

Dahil salot ng Maynila, pwe!

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *