Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Crush naka-sex sa dream

Hi po sir senor,

Nnginip ako nakikpagsex s crush ko, ano kya ung mining nito? Plz don’t pablis my CP # kol me mistersuave.. slamat po sir..

To Mistersuave,

Ang kahulugan ng ganitong bungang-tulog ay ang posibleng kakulangan ng init o aksiyon sa iyong sex life. Sa kabilang banda, nagpapakita rin ito ng iyong agam-agam sa paki-kipagrelasyon, lalo na kung ang pinagdaanang relasyon ay isang masalimuot na karanasan para sa iyo. Kung ikaw ay may asawa na, ma-kabubuting mag-usap kayo nang maayos upang maresolba ang hindi pagkakaintindihan at anumang bagay na nagiging hadlang upang mas maging mabuti at punum-puno ng init ang inyong pagmamahalan. Pahalagahan ang bukas na komunikasyon at ang pagiging mahinahon sa isang relasyon dahil may gagampanang mahalagang bagay ito sa iyo.

Tungkol naman sa crush mo, sakaling binata ka pa, nagpapakita ito ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Ito ay maaa-ring paalala rin sa iyo na ngayon na ang tamang panahon upang ipaalam mo ang iyong pagkakagusto sa kanya, lalo na kung sa panaginip mo ay maganda ang nakikita mo o maayos ang tema nito. Subalit kung may asawa ka na, alisin mo na sa iyong isipan ang crush mo dahil baka mula sa panaginip, maaaring mauwi sa bangungot ang sitwasyon mo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …