Lalo pang lumamig ang temperatura sa Metro Manila matapos bumagsak sa 15 degrees Celsius level kahapon, dahil sa Amihan.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Aldczar Aurelio sa monitoring ng temperaruta sa PAGASA Science Garden sa Quezon City, pumatak sa 15.8 degrees Celsius ang temperatura dakong 4:50 kahapon ng madaling araw.
Mas malamig ito kumpara sa naitala nitong Sabado na 16.9 degrees Celsius dakong 6:20 ng umaga.
Ang temperatura ngayon ay malapit nang mapantayan ang pinakamalamig na naitala sa Meto Manila sa nakalipas na 25 taon na 15.1 degrees Celsius noong Disyembre 13, 1988.