WELL, as always naman, ang pagsisi ay laging nasa huli. Tulad ng nangyayari ngayon sa sikat na player ng Azkals na si Phil Younghusband na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na wala na sila ni Angel Locsin.
Yes, nagiging very vocal si Phil sa kanyang feelings na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Angel at gusto niyang balikan ito. Kaso sa parte ni Angel mukhang malabo na ang gustong reconciliation ng ex lalo pa’t nakapag moved-on na raw siya. Yes, malaki ang naitulong ng bagong teleserye ng actress (Angel) na The Legal Wife para mas madali niyang makalimutan si Phil. Nataon na nang ilapit sa kanya ng STAR TV (sister company ng Star Cinema) ang project ay kahihiwalay lang nila ng player na boyfriend. At dahil
nag-concentrate sa kanyang trabaho, kahit na nasaktan noong una ay naging madali para kay Angel na makalimutan ang lahat. Masaya kasi sa set at pamilya ang turingan nila ng mga co-star at malaki ang naitulong para matanggap na ni Angel na wala na sa buhay niya si Phil.
Tapos, nand’yan pa ‘yung bumalik ang feelings ng actress kay Luis Manzano na kanyang ex. So, malabo na talaga ang gustong mangyari ni Phil, kaya mas maganda kung humanap na siya ng ibang babae na sana this time ay ingatan na niya ng ‘di mawala sa kanya.
Mapapanood na pala ang The Legal Wife sa January 27 (Lunes) sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Kasama sa much awaited big and quality teleserye na ito sina Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera, Christoper de Leon, Rio Locsin, Maria Isabel Lopez, Mark Gil, Joem Bascon, Aaron Villena and many more. Ang “The Legal Wife” ay pinagtulungang idirek nina Rory Quintos at Dado Lumibao.
Mga Kapamilya let’s watch this gyud!
Unang pagsabak sa Indie ng Star For All Seasons, pinarangalan abroad…
ATE VI, WAGI NG INT’L AWARD DAHIL SA “EKSTRA”
Buong pagmamalaking ibinalita ng ABS-CBN ang pagwawagi ng Star for All Seasons na si Vilma Santos bilang Best Actress sa 13th Dhaka International Film Festival para sa natatangi niyang pagganap sa kauna-unahan niyang indie film na “Ekstra.”
Tinalo ni Vilma sa Dhaka fest na ginanap sa Bangladesh ang 21 pang nominadong bidang aktres ng mga pelikula mula sa Asya Pasipiko, kabilang ang Australia. Unang pinarangalan si Vilma bilang Best Actress para sa “Ekstra” sa 2013 Cinemalaya
Independent Film Festival 2013 at sa Gawad Tanglaw Awards 2014. Ang “Ekstra” ay isang drama-comedy film na umiikot sa buhay ng mga talent na umeekstra-ekstra sa telebisyon at pelikula tulad Loida Malabanan (ginagampanan ni Vilma).
Noong 2013, ang “Ekstra” ay naging bahagi ng Contemporary World Cinema program ng prestihiyosong 38th Toronto International Film Festival. Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at Quantum Films, natamo noong nakaraang taon ng obra ni Direk Jeffrey Jeturian ang unanimous grade “A” ng Cinema Evaluation Board (CEB). Bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng 20th anniversary ng Star Cinema, ang “Ekstra” ay kinatatampukan rin nina Ruby, Tart Carlos ng “Be Careful With My Heart,” Cherie Gil, Pilar Pilapil, Nico Antonio, Tom Rodriguez, Direk Marlon Rivera, Vince de Jesus at marami pang iba. May special participation rin sa milestone movie ni Ate Vi sina Richard Yap, Marian Rivera, at Piolo Pascual. Para sa latest updates tungkol sa “Ekstra” at iba pang 20th anniversary offerings ng Star Cinema, bisitahin ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.
Audition Ng Little Miss Philippines 2014 Sa Eat Bulaga Dinumog Ng Libo-Libong Bata
Marami talagang little misses na gustong maging tulad nina Aiza Seguerra at Ryzza Mae Dizon at iba pang mga produkto ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga na sumikat sa showbiz. Kaya naman magmula sa pagda-download ng kanilang parents o guardian ng kanilang registration form sa official Facebook page ng Bulaga.
Last Monday ay libo-libong mga cute at bibong little girls ang nakita na nag-audition sa Broadway Studio. Si Dabarkads Ruby Rodriguez ang namahala ng naturang audition. Aniya, majority ng mga nag-audition ay papasa talagang maging Little Miss Philippines na may malaking future na nag-aantay sa showbiz.
Well, malapit nang magsimula ang nasabing segment na sumikat mula pa noong 80s. At araw-araw ay aaliwin na naman tayo ng mga batang ‘di lang pagpapa-cute ang alam kundi mga talented pa at matatalinong sumagot sa mga question nina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon.
Peter Ledesma