TEKA si Martin Escudero, akala ko ay kinawawa sa role at billing sa Mumbai Love. Okey naman ang role niya, mas marunong na siyang umarte ngayon kaysa noon.
Kung billing naman ang pag-uusapan, wala siyang dapat ika-insecure. fare lang naman ‘yung kinalalagyan ng pangalan niya. Just sit, iho, darating ka rin sa puntong mailalagay ang name mo sa billing na gusto mo. It’s too early pa para magreklamo.
Pero bago pa nag-premiere last Monday, naayos naman pala ang problema, ganyan si Wilson Tieng, ang Solar Film producer, madaling magpakalma ng damdamin ng mga artista at staff .
Hindi ko nakita ang eksena ni Raymond Bagasting dahil nanuyo ang lips ko. Feeling ko bagsak ang sugar count ko. Hindi kasi ako lumafang, maanghang ang food sa cocktail, eh, bawal sa amin. Pero agad akong naghanap ng counter outside the cinema pero waley na so, go home na lang. At true pagdating ko ng haws, check-up agad ng aking sugar count, ‘yun na, 73%, pababa na, buti na lang nakarating ako ng haws sa Sta. Rosa, Laguna. Drink agad ng big glass of Coke at sandamakmak na matamis na bao (coco jam).
Kasama rin sa Mumbai Love si Jayson Gainza.
(Letty G. Celi)