Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 bagets na rape suspects swak sa text

ARESTADO ang apat menor de edad matapos gahasain ang kanilang kabarkada sa basketball court sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni Supt. Ro-derick Mariano, ng MPD Station 7, ang mga suspek na sina Christian John Gomez, 18; alyas Mike, 15; alyas Claude, 17; at alyas Toni, 17, pawang ng Tondo, Maynila.

Ang mga suspek ay itinuturong responsable sa naganap na gang rape sa biktimang si alyas Ai-Ai, 19, noong gabi ng Enero 11 sa basketball court ng F. Torres Bugallon.

Ayon sa salaysay ng biktima, nag-iinoman silang magbabarkada sa nasabing lugar nang siya ay makatulog dahil sa matinding kalasingan.

Ngunit nang siya ay magising ay wala na si-yang saplot sa katawan at nakaramdam ng matin-ding pananakit ng kasela-nan.

Nitong Enero 22, dakong 7:30 p.m. ay muli siyang inimbitahan na mag-inoman ng mga suspek.

Nagkunwaring pumayag ang biktima ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay nagsama ng mga pulis ang dalagita at itinuro ang mga suspek na halinhinang humalay sa kanya.

Ang mga suspek ay dinala na sa Manila Youth and  Reception  Center upang doon manatili habang dinidinig ang kaso laban sa kanila.

(LEONARD BASILIO/JASON BUAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …