Monday , December 23 2024

Sunshine, posibleng masolo ang responsibilidad sa mga anak (Ngayong ibinigay na ng korte ang full custody)

About the author

Ed de Leon
MAY mabigat na responsibilidad ang pagkakabigay ng korte ng full custody ng kanyang mga anak kay Sunshine Cruz. Of course happy siya, dahil legal na dapat na sa kanya ang mga anak, at okey lang naman na dalawin sila o mahiram ng kanilang ama mula sa kanya, kaya lang dapat paghandaan ni Sunshine ang katotohanan na maaaring mangahulugan iyon na siya na ang tutustos sa pagpapalaki ng kanyang mga anak.

Of course, maaari niyang sabihin, na ang full custody ay hindi nangangahulugan na wala nang responsilidad ang ama ng kanyang mga anak, pero iyon ang karaniwang nangyayari eh. Basta ang nanay ang binigyan ng korte ng full custody sa mga bata, nagpapabaya ang ama ng mga iyon. Hindi naman dahil sa hindi niya mahal ang kanyang mga anak, pero gusto rin siguro nila na sumuko ang kanilang mga asawa at payagan nang mapunta sa kanila ang mga bata kahit na may court ruling. Sinasabi nga ng marami na iba ang legal, iba naman ang factual.

Pero siguro nga iyon ay isang bagay na napaghandaan na rin naman ni Sunshine, kaya nga ang una niyang ginawa matapos silang maghiwalay ni Cesar ay humanap ng trabaho at muling hinarap ang career na matagal ding tinalikuran noong nagsasama pa sila. In fainess kay Sunshine, iniwan niya ang kanyang career noon para maging full time wife and mother. Pero ngayon ngang nahiwalay na siya sa kanyang asawa, masasabing suwerte lang na nang balikan niya ang career niya ay naroroon pa rin ang init niyon.

Tama kasi ang naging diskarte niya sa kanyang career. Suwerte rin naman sigurong masasabi na nasama siya sa isang malakas na teleserye. Natural naman basta ganoon, huwag ka lang magiging problema sa mga makakasama mo, tuloy-tuloy ang trabaho mo, and as it is, mukha namang madaling naging paborito ng kanyang mga katrabaho si Sunshine.

Ngayon mas kailangan niyang magsikap, dahil nakaharap siya sa isang obligasyon ng pagpapalaki sa kanyang mga anak, tulungan man siya ng kanyang asawa o hindi.

Mga palabas sa TV, nakatatakot na!

NOONG Linggo, pista ng Santo Nino, natawag ang aming pansin ng sermon ng isang pari. Sinabi niya, nakakatakot na raw ngayon ang manood sa telebisyon. Kahit na mayroong Strict Parental Guidance ratings ang MTRCB, hindi raw sapat iyon para ang mga bata ay makaiwas sa mga maling values.

Tama iyong kanyang nabanggit. Nagsimula sa isang serye tungkol sa love story ng mga bakla, nagkaroon ng serye na ang pag-ibig ay tinutumbasan na ng pera, at ngayon mayroon nang hiraman ng asawa. Talagang nakatatakot nga kung ganyan ang mapapanood ng mga kabataan. Puro pangangalunya na nga naman ang subject ng mga drama sa telebisyon eh, at iyan ay kasalanan.

Palagay nga namin, dapat na piliing mabuti ng mga magulang ang mga drama sa TV na pinanonood nila sa bahay. After all responsibilidad ng mga magulang kung ano ang ideang napupulot ng kanilang mga anak.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *