Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghihiwalay nina daniel at kathryn, iniyakan ng fans (Liza, dahilan ng hiwalayan?)

About the author

Reggee Bonoan

ANG suwerte ni Liza Soberano Ateng Maricris dahil siya ang ka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Got To Believe na mapapanood na sa susunod na linggo.

Magkakakilala sina Joaquin (Daniel) at Liza sa ibang bansa na pinuntahan ng actor para ipatanggal ang bala sa ulo, base sa tumatakbong kuwento ngayon sa Got To Believe.

At balita namin ay sa Singapore ang first taping day ni Liza, huh? So, sa nasabing bansa nagpa-opera si Joaquin?

Habang nagpapagaling si Joaquin ay biglang papasok sa eksena si Liza?

Base sa itinatakbo sa kuwento ng GTB ay nakipaghiwalay si Chichay kay Joaquin para mapursigeng pumunta sa ibang bansa ang binata para ipatanggal ang bala sa ulo niya.

At nakakaloka ang supporters ng KathNiel noong Martes dahil masyado nilang dinibdib ang paghihiwalay nina Joaquin at Chichay kaya’t nag-iyakan sila sa mga post nila sa social media kaya naman worldwide trending ang nasabing eksena.

Samantala, iisa ang tanong sa alaga ng katotong Ogie Diaz, kung handa na ba siyang malait ng fans ng KathNiel dahil tiyak makatitikim siya ng panlalait.

“Ready naman po ako. Ang ginagawa ko pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Ang ginagawa ko ngayon ‘yung negative tweets na nakikita ko pero hindi ko pinapansin at hindi ko masyadong dinaramdam. Pero kung mayroong hurtful criticisms na nakatutulong ina-accept ko naman sa sarili ko ‘yon,” say ng dalagita.

Tanging pakiusap ni Liza, “sa mga KathNiel fan sa lahat ng mga nakaiintindi, thank you for supporting me. Thank you dahil naiintindihan nila ako.

“Sa mga nang-aaway or medyo galit sa akin, ita-try kong pagbutihin ‘yung role at sana ‘di sila magalit sa akin kasi trabaho lang naman po. Hindi ko naman po aagawin si Daniel kay Kathryn.”

Pangalawang beses na nina Daniel at Liza na magkatrabaho at nauna na sa pelikulang Must Be Love at siya rin ang ka-love triangle rati.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …