Monday , December 23 2024

Gerald, nae-excite kay Anne

About the author

Cesar Pambid

HINDI talaga mawala-wala ang excitement ni Gerald Anderson dahil siya ang napiling maging leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel ng ABS-CBN.

Ito ‘yung role na Fredo na famous character na nasa orihinal na kuwento ni Uncle Mars Ravelo, ang lalaking minahal ni Dyesebel mula sa mundo ng mga tao.

Pero may kasamang kaba ang excitement ni Gerald, lalo pa nga’t first time niyang makakasama sina Anne at isa pang leading man na si Sam Milby. Biro nga niya, kinakabahan siya dahil sinabihan daw sila na kailangan niyang magkaroon ng abs.

In an interview with Gerald, nag-share rin siya ng kuwento tungkol sa mga maraming kaganapan sa kanyang personal na buhay at career. Ang nakaraang taon daw na dumaan ay napakasuwerte sa kanya when it comes to his career.

“Marami ring ups and downs last year. Parang roller coaster ride. Ang dami ring blessings at the same time. Nakapag-Cannes Festival po ako dahil sa ‘OTJ’.

“Sa personal life, siyempre, marami pong ups and downs pero excited ako for 2014 and the one thing that really excites me is ‘Dyesebel’ talaga,” sabi pa niya.

Pero walang nabanggit si Gerald tungkol sa kanila ni Maja Salvador.

Naging madrama ang bahaging ito ng kanyang buhay dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nilang tatlo nina Kim Chiu.

Angel, pinupuntirya ni Governor ER

THIS early ay naghahanda na pala si Laguna Governor ER Ejercito para sa kanyang panlaban sa darating na Metro Manila Film Festival.

Nakahanda na raw ang istorya ng action at dito, si Angel Locsin daw ang gusto niyang maging leading lady.

Ayon sa ilan taong close kay Gob. ER, he is keeping his fingers crossed na ma-get niya si Angel for a leading lady.

“Bilib siya sa pagiging magaling na artista ni Angel. Feeling niya, Angel will be able to match his skills as an action star. As he has heard, he said, wish ni Angel na makagawa ng isang action movie,” sabi pa ng source.

And speaking of the good governor, he tendered a press conference along with the DepEd kamakailan. Tungkol ito sa Palarong Pambansa na sa kayang probinsiya gagawin ngayong darating na Mayo.

“We are told,” wika ni Gov. ER, “na 17,000 athletes, coaches and officials are participating in the event.

“And we, I and the entire population of Laguna, are eager to welcome them with open arms,” susog ni Governor ER.

All in all, do you know that Laguna has 24 municipalities and six cities?

“I can imagine na malaking tulong ang Palarong Pambansa para lalong makilala ang Laguna bilang isang maganda at ideal na tourist destination,” nakangiti pang saad ni Gov. ER.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *