Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bunsong kapatid ni Regine, nanglalait ng fans?

About the author

Rommel Placente

NAGSUMBONG sa amin ang ilan sa fans/supporters ni Regine Velasquez. Nilalait daw sila ng nakababatang kapatid ng Asia’s Songbird na si Dianne Roque.

Ayon sa fans, kung ano-anong masasakit daw na salita ang sinasabi nito  laban sa kanila na isina-shout-out sa Facebook kaya nababasa nila since friend nila ito.

Ipinakita nila sa amin ang pruweba ng shout out ni Dianne at doon ay naka-post nga na dapat daw ay hindi sila yumayakap at humahalik kay Regine dahil baka mahawa raw ito sa sakit nila, dahil may virus sila.

Sobra raw silang na-offend kay Dianne. Dapat nga raw ay naaa-appreciate pa sila nito, nagpapasalamat sa kanila dahil sa sobrang suporta na ibinibigay nila kay Regine.

Lahat daw ng album nito ay binibili nila. Pinanonood daw nila ang lahat ng pelikula nito at tinatangkilik ang mga TV show at concerts.  Kesehodang gumastos daw sila maipakita lang ang pagmamahal nila kay Regine.  Ganoon naman daw talaga ang supporters, gumagastos para sa kanilang idolo.

Kahit nga raw malayo ang concert ni Regine, tulad ng out of town ay pumupunta sila para manood. During the promotion daw ng latest album ni Regine, sa mga mall tour nito sa mgsa probinsiya ay nakasunod din sila.

Kaya hindi raw nila deserved na laitin pa ng bunsong kapatid ni Regine kundi dapat nga raw ay nagpapasalamat pa ito sa kanila.

Well, aware kaya si Regine sa ginagawa ng kanyang kapatid na si Dianne sa kanyang fans?

Bukas ang pahina ng aming kolum sa paliwanag ni Dianne tungkol sa sumbong sa amin ng fans/supportets ng kanyang ate Regine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …