ANG totoo, medyo na-stress na si Solenn Heussaff dahil 29 na siya sa taong ito pero wala pa siyang natatanggap na marriage proposal sa kanyang mga naging karelasyon pero umaasa siyang ang kanyang Argentinian BF ang makakasama habambuhay.
Aniya, “Ayaw kong mag-plan ng kasal, hihintayin ko na lang ‘yung signal. I mean, if it happens, it happens. If you plan, it never happen kasi, so ready na ako, na-drepress ako 29 years old na ako this year.”
Out of curiousity, natanong namin siya kung puwedeng pag-usapan si Derek Ramsay regarding sa marriage proposal dahil nagkarelasyon sila ng tatlong taon. “Hindi, old na ‘yan, mga 9 years ago. We’re on for three years, I was 17 noon super bata, magiging 29 na ako. Twenty six siya noon. Masaya naman kami pero people changed, people grow up, like every other relationship ‘di nag-work.”
Naisip lang namin dahil ayaw nang mag-elaborate ang aktres, kaya hindi nag-offer ng marriage proposal ang aktor dahil bata pa sila at ine-enjoy nila ang kanilang kabataan. Ang malungkot sa parte ng aktres, nakatatlong BF na siya pero lahat ‘yon ay hindi nagtagal dahil ayon sa kanya, kahit in love siya ay hindi nag-match ang kanilang mga personlidad. Pero sa ngayon, inamin nitong settled na siyang makipagrelasyon dahil nasa tamang edad na. Kararating lang ni Solenn mula sa kanyang pagbabakasyon sa Argentina kasama ang kanyang syotang taga-roon. Aniya, pangatlo na niya ito at itinataon nila kapag December dahil ito ang panahon na ang parents ng kanyang BF ay umuuwi sa nasabing lugar. Kaysa mag-enjoy sa city life, mas ginusto nito ang mag-hiking, magbuhat ng dumbbell, at rafting kaya maitim siya nang humarap sa press noong nagkaroon ng grand presscon ng Mumbai Love sa Anabel’s.
Pag-pose ng hubo’t hubad
Pinabulaanan nito ang tsikang nag-pose ang kanyang syota ng hubo’t hubad sa gitna ng waterfalls. Aniya, nakasuot siya ng bikini and boy shorts naman sa kanyang syota. “Nasa waterfalls kami, nagsu-swimming, ano ba nagdyi-gym kami he he he.”
Palabas na ang Mumbai Love sa January 22 sa mga sinehan nationwide at kapareha rito ni Solenn si Kiki Matos. Ayon sa kanya, naiiba ang nasabing pelikula dahil ginawa siyang mas bata at ‘di tulad sa previous projects nito na paseksihan ang labanan. “Lahat ng cast dito, 16 to 19 years old, parang dapat lumevel-up sa kanila na bata. Actually, nag-lessen ako ng make-up, nag-imbento ng mga mannerism sa karakter ko. ’Yung laugh niya rin may pagkaka-iba, ‘yung clothing ko, nag-shop ako ng bagong clothing para sa role.”
Speaking of Kiko, first time niyang na-meet ito sa movie at nabaitan siya sa aktor. “He’s willing to learn, willing to compromise rin, marami kaming workshops together. Ito ‘yung first time na nag-workshop ako for the role, sobrang brilliant actor para sa akin. Ang bilis niyang mag-understand sobrang into character siya.”
Ang Mumbai Love ay kauna-unahang Bollywood-Pinoy movie, sobrang colorful ang background, may pagka-Bollywood ang lighting at siyempre kasama na rito ang sayawan at kantahan. “May nasulat akong French song para sa movie. Maganda ito kasi naka-subtle lahat in English. So, kung sino ang gustong manood kahit foreigner kayo, the movie uses English, French, Hindi and Tagalog,” say ng aktres.
Kasama sa cast ng Mumbai Love sina Jason Gainza, Raymond Bagatsing, Martin Escudero, Jun Sabayton and introducing Romy Daryani. Ito ay mula sa direksiyon ni Benito Baustista at handog ng Capestone Pictures in association with Wanderlust project Films.
Alex Datu