Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, pinaplano na ang pagbili ng condo (Angeline, magpapa-alaga na sa Cornerstone)

LIMANG Cornerstone talents ang kasama sa Dubai ASAP 20 na paalis ngayong araw tulad nina Sam Milby, Richard Poon, Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Erik Santos.

Ayon sa road manager ni Sam na si Caress Caballero, sasabak kaagad sa Dyesebel pictorial sa Batangas ang alaga niya para sa trade launch ng ABS-CBN sa Enero 30 sa One Esplanade sa Mall of Asia.

Kahapon ay inayos na muna ni Sam ang planong pagbili ng condo sa Serendra 2 at hindi binanggit ni Caress kung anong floor at ilang square meters, “hindi ko alam birthmate, pero ang sigurado ako, sobrang laki kasi may guest rooms siya para sa family niya kapag umuwi ng Pilipinas.”

Kasalukuyang pinag-iisipan daw ng aktor kung ibebenta ang bahay niya sa Pasig City o ibibigay sa kapatid niyang dito na sa Pilipinas naka-settle.

“Iniisip pa, kasi may bahay na naman ang ate niya, ang ganda kasi ng bahay niya, ‘di ba?” kuwento ni Caress.

Samantala, tatlo sa mga alaga ng Cornerstone ang kasama sa Dyesebel, sina Sam bilang Syokoy at isa sa leading man ni Anne Curtis, Young JV, at Markki Stroem na nag-aaral ding lumangoy ngayon ng may buntot.

Anyway, tinanong namin si Erickson Raymundo kung paano napunta sa kanya si Angeline na alam naman ng lahat na Star Magic ang namamahala sa karera ng dalaga.

“Actually, mag-uusap palang kami ni Angeline, hindi pa kami nakakapag-usap, kasi noong isang araw, tinext niya ako kung puwede ko siya i-handle, eh, sabi ko, oo, kasi eversince naman, I have soft spot for Angeline kasi nakakasama namin siya sa shows, eh, masayahin siya, napapatawa niya ako.

“So, hindi mahirap dalhin at saka Angeline na siya, so mag-uusap kami kung bakit niya need pa magpa-handle sa Cornerstorne, kung ano ang kailangan niya.

“Humihingi rin ako ng meeting with Ms Mariole (Alberto) para kay Angeline para pag-usapan namin, eh, pagbalik na lang daw nila from Dubai,” kuwento ni Erickson. (So, siguro naman mababago na rin ang ugali ni Angeline, since mapupunta na siya sa Cornerstone, mawawala na ang pasising pasaway niya—ED)

Nabanggit namin na baka kailangan ni Angeline ng kakuwentuhan minsan dahil wala naman kaming alam na may ka-close siya sa Star Magic kaya siguro hindi pa siya ganoon katsika unlike sa Cornerstone na halos katsikahan lahat ng dalaga lalo na sina Erik, Sam at iba pa.

“Baka, hindi ko talaga alam pa,” saad ng Presidente at Chief Executive Officer ng Cornerstone Talent Management.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …