Saturday , November 23 2024

Regine, ‘di nagpabayad sa kanta para sa mga guro (PLDT Gabay Guro, tuloy-tuloy ang paggawa ng mga eskuwelahan)

KAHANGA-HANGA na hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang PLDT Gabay Guro na tumutulong sa mga kapakanan ng mga guro at estudyante sa buong Pilipinas. Hindi sila tumigil at hindi lang natapos sa isang proyekto ang kanilang pagkakawanggawa.

Napag-alaman naming hanggang ngayon ay nariyan pa rin sila na gumagabay at tumutulong sa mga pangangailangan ng maraming eskuwelahan lalo na iyong mga naapektuhan ng bagyo at lindol.

Unahin na natin ang pakikiisa sa kanila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na naghandog ng isang espesyal na awitin para sa mga guro, ang Believing In Me na isinulat ng mag-asawang Raul at Cacai Mitra na tulad ni Regine, hindi rin sila nagpabayad dahil naniniwala sila sa advocacy ng PLDT Gabay Guro.

Libre at handog nila ang awiting ito para sa mga guro. Inilunsad ito bago mag-Pasko last year sa ginawang tribute event sa SM Mall of Asia na dinaluhan ng may 30,000 mga guro mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ani Regine, regalo niya ang awiting Believing In Me sa mga gurong hanggang ngayo’y nariyan para turuan ang mga bata. Kaya ang awiting ito rin ang opisyal na PLDT Gabay Guro’s tribute song para sa lahat ng Filipino teachers. “Nagpapasalamat ako sa PLDT for giving me this chance. Regalo ko ito sa kanila,” sambit ni Regine na aminadong kung hindi raw siya naging singer, posibleng isa siyang guro ngayon.

Samantala, aminado naman si Ms. Chaye Cabal-Revilla, Gabay Guro Chairman at 2013 Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardee na number one fan siya ni Regine kaya hindi sila nagdalawang-isip ng pagkuha sa magaling na singer. “Bukod kasi sa mahal na mahal namin si Regine at talagang pinakamagaling na singer siya para sa amin, no. 1 fan po ako and she has a good heart. We didn’t pay her so she is also a volunteer of Gabay Guro.

“We are also truly touched by the gesture of Regine, Raul and Cacai. It is really so nice of them to accommodate us with this beautiful song. It sums up pretty much all we have to say about our teachers.”

Pagpapasinaya ng mga classroom

Bukod dito, ibinalita rin ni Ms. Chaye na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa mga guro at eskuwelahan. Patuloy ang pagbibigay nila ng classrooms sa mga biktima ng lindol tulad ng Bohol na noong Disyembre ay nai-turn over na nila sa mga bayan ng Loay, Cortes, at Tagbilaran. Nagbigay din sila ng mini concert sa may 5,000 guro na tinawag nilang Pahalipay sa Bohol. Dito’y namigay sila ng maraming papremyo, kasiyahan, musika, at entertainment.

Magtutungo rin ang Gabay Guro sa Leyte para pasinayaan ang walong classroom sa Tacloban City at Palo, leyte. Mayroon din silang proyekto sa Cebu at Samar at iba pang lugar sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Ms. Chaye na tuloy-tuloy ang kanilang proyektong ito at kapareha nila ang 26 schools sa pagbibigay ng libreng tuition fee. Umaabot na pala sa 700 estudyante ang kanilang nabibigyan ng scholar samantalang 10,000 mga guro naman ang nabigyang benepisyo ng free training program.

At siyempre hindi nila maisasakatuparan ang mga proyektong ito kung wala ang iba pa nilang kapartner, ang Smart Foundation gayundin ng PLDT Manager’s Club Inc..

Layunin ng PLDT Gabay Guro na makapagbigay ng scholarships, trainings, housing, and educational facilities, livelihood programs, broadbanding and computerization and teachers tribute.

Suportado rin si Ms. Chaye ng PLDT Chairman na si Manny V. Pangilinan, na nag-utos na padaliin ang pagtatayo ng mga building at rehabitasyon ng mga classroom para makalipat pa sila sa iba pang lugar at probinsiya at para mai-share pa ang blessings na ito sa ating mga kababayan. “I speak in behalf of all the volunteers behind Gabay Guro. We are so affected by the plight of our kababayans and we all committed in helping rebuild not just their classrooms but also their lives. We vow never to stop, to the best of our abilities, to bring service to our fellow Filipinos wherever we can,” pagtatapos na ni Ms. Chaye.

Panalangin para kay Mang Gerry

Sa kabilang banda, humihingi pa rin ng panalangin si Regine para sa kanyang amang si Mang Gerry. Aniya, “Si Mang Gerry po ay hindi na pakalat-kalat tulad ng dati. Bumalik po siya sa ospital pero para lang po sa check-up niya. We still need lots of prayers po.

“Bale nakatira po si Mang Gerry ngayon kay Cacai kasi po pinaaayos naming ‘yung bahay naming kaya roon muna po siya.”

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *