Thursday , January 9 2025

Osang singer na sa Israel

MATUTULOY na ang pagiging professional singer ni Rose “Osang” Fostanes sa Israel,  matapos magdesisyon si Israeli Interior Minister Gideon Saar, personal na nagtu-ngo sa Population and Immigration Authority at iniutos na bigyan permiso ang Pinay “X Factor Israel” winner na maka-pagtrabaho bilang professional singer.

“Minister Saar deci-ded to agree to her [Fostanes] request and allow her a work permit as an artist,” pahayag ng tanggapan ng opisyal bagama’t nilinaw nitong nakadepende pa rin kung papayag ang employer ni Fostanes.

Sa eksklusibong report ng Israeli news site na YNet News, binigyan si Fostanes ng Interior Ministry ng dalawang opsyon: tumanggap ng artist visa at iwan ang trabahong caregiving sa amo; o himukin ang among pumayag na maging singer siya habang nagsisilbing caregiver.

Mas pinili umano ni Fostanes ang unang op-syon, batay sa report.

Maglalabas ng paha-yag ang record label ni Fostanes sa Israel oras na may pinal nang desisyon sa usapin.

Ang usapin ay kasu-nod ng gusot sa visa ni Fostanes na naglilimita sa kanyang kumita sa labas ng kanyang work permit bilang caregiver.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *