Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, special friends lang daw si Mark! (Kaya malabong magkabalikan…)

KAHIT single si Jennylyn Mercado ay halatang happy siya at ganado sa trabaho.

Buong ningning na sinabi ni Jen na friends lang sila ng leading man niyang si Mark Herras. Marami pa naman ang humuhula na may balikang mangyayari dahil magkasama sila sa serye at parehong walang commitments.

“Malabo po. Wala po. Hindi po talaga . Kasi sobrang special ‘yung friendship namin. Kasi usually ‘yung mag-boyfriend-girlfriend, hindi mo masasabing forever na ‘yan, eh! Kasi minsan talagang naghihiwalay, nagkakaroon ng problema. Gusto ko ba ‘yun na mangyari sa aming dalawa? Maganda na ‘yung special friendship na forever, alam mo ‘yun? ‘Yan ang mas mahaba, mas matagal. Kahit anong oras, puwede mong lapitan, pagsabihan ng problema. Parang para sa akin, okey na okey na ako roon,” bulalas ni Jennylyn.

“At saka sampung taon na rin kaming magkaibigan, wala akong problema. Wala siguro kaming magiging problema,” aniya.

Kinuha namin ang reaksiyon niya sa napipintong  balikan ng ex niyang si Luis Manzano at ni Angel Locsin.

Napangiti lang siya at ayaw mag-comment. “Hindi ko alam. Sila na lang ang tanungin n’yo,” sey pa niya.

Naniniwala ba si Jen na kaya nag-break sila ni Luis dahil nagkakamabutihan ulit sina Angel at Luis?

“Hindi na ako magsasalita about it. Ano na lang..siguro kailangan… ang dami ko namang ginagawa ngayon, hindi ko na kailangang isipin pa ang mga ganoong bagay. Ngayon, pagtuunan ko na lang ng pansin ‘yung trabaho ko, pamilya ko, si Jazz, kasi ‘yun ang importante, eh! Ngayon, hindi ko muna kailangang isipin ‘yun dahil tapos na,” reaksiyon pa ni Jen.

Pero sa sarili niya, naniniwala ba siya na ‘yung past relationship, hindi nawawala ‘yung pagmamahal?

“Ano ba? Kasi depende, eh! It’s  a case to case…,” tugon lang niya.

May ganoon din ba siyang feeling na ‘mahal’ pa rin niya ang ex-boyfriend niya?

“Wala,” malutong niyang sagot sabay tawa.

Wala ka ring babalikan?

“Wala. Sa history ko naman, wala akong binalikan. I don’t think mangyayari ‘yun,” sambit pa niya.

Pero may statement  si Jen pag umibig siya ulit, “Sabi ko nga ngayon, lahat ng relationship ko, gusto ko lahat ibinibigay ko para sa dulo, wala akong pagsisihan. At least, lahat naibigay ko lahat,” deklara niya.

Na-shock din si Jennylyn at naloka nang biruin siya ng isang movie columnist na ipakikilala siya kay Phil Younghusband na ex ni Angel.

Talbog!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …